Task Force Anti-Criminality

Task Force Anti-Criminality Task Force Anti-Criminality
Quick Reaction Force TASK FORCE ANTI-CRIMINALITY (EO. No.35)

24/10/2025

DALAWANG DRUG SUSPECT, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA RODRIGUEZ, RIZAL

Isa sa mga naaresto, nahulihan din ng baril at bala!

Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Rodriguez Municipal Police Station (MPS) ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation na may koordinasyon sa PDEA Region 4A (PDEA 025) sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina:

Alyas “Jun”, 34 taong gulang, walang trabaho, residente ng Brgy. Mascap, Rodriguez, Rizal — nahaharap sa paglabag sa RA 9165 Seksyon 5 at 11 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act).

Alyas “Bong”, 55 taong gulang, walang trabaho, residente rin ng Brgy. Mascap, Rodriguez, Rizal — nahaharap sa paglabag sa RA 9165 Seksyon 5 at 11.

Ayon sa ulat, bandang 12:20 ng madaling araw ay nahuli ang mga suspek matapos magbenta ng isang (1) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.

Pagkatapos ng transaksyon, agad na inaresto ang mga suspek. Narekober mula kay alyas Jun ang tatlong (3) pirasong Php100 buy-bust money, karagdagang Php300 cash, at isang (1) Caliber .38 revolver na may tatlong (3) live ammunition.

Ang kabuuang tinatayang timbang ng nakumpiskang shabu ay 15 gramo na may halagang Php102,000.00, batay sa standard drug price.

Ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa kaukulang drug test at forensic examination.

PAG-ARESTO DAHIL SA PAMEMKE NG DOKUMENTO Noong ika-22 ng Oktubre, 2025, bandang 11:00 AM, rumesponde ang mga tauhan ng T...
24/10/2025

PAG-ARESTO DAHIL SA PAMEMKE NG DOKUMENTO

Noong ika-22 ng Oktubre, 2025, bandang 11:00 AM, rumesponde ang mga tauhan ng TFAC sa pangunguna ni PMSg L.A. Cruz, kasama si PSSg Eldie Inocentes, sa isang ulat mula sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa Rodriguez Municipal Hall, Brgy. Balite, Rodriguez, Rizal, tungkol sa mga diumano'y pinekeng dokumentong isinumite ng isang indibidwal.

Pagdating sa lugar, kinumpirma ng mga rumespondeng opisyal ang mga dokumentong isinumite ni Alfred Rantuza, na nag-a-apply para sa isang business permit. Sa pagberipika, natuklasan ng mga awtoridad na ang mga dokumento ay tila pineke.

Agad na inaresto ang suspek dahil sa paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code (Pamemeke ng mga Pribadong Indibidwal at Paggamit ng mga Pinekeng Dokumento).

Ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Miranda Doctrine at dinala siya sa Taytay Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings. Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Rodriguez MPS custodial facility.

22/10/2025

INDIBIDWAL, ARESTADO SA BUY-BUST OPERASYON LABAN SA ILEGAL NA BENTAHAN NG BARIL SA BRGY. SAN ISIDRO

Isang matagumpay na operasyon ang isinagawa ng Rodriguez Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng Task Force Anti-Criminality (TFAC) noong Oktubre 18, 2025, bandang 7:05 ng gabi, sa Barangay San Isidro, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang indibidwal dahil sa illegal sale of fi****ms.

Sa isinagawang buy-bust operation, nakumpiska mula sa suspek ang dalawang Caliber .38 revolver, lima (5) na live ammunition, isang black sling bag, at marked money na ginamit sa operasyon. Samantala, isa pang suspek ang nakatakas at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Pinangunahan ang operasyon ng Intelligence Team ng Rodriguez MPS, sa pamumuno ni PCPT Fernan F. Romulo, Chief of DET/Intel, at sinang-ayunan ni PLTCOL Arwyn D. Gaffud, OIC ng Rodriguez MPS. Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa ballistic examination.

Patuloy ang TFAC at PNP Rodriguez sa pagpapatupad ng mga operasyon laban sa kriminalidad upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa buong bayan ng Montalban.

Huwag matakot, magreport!

Hotline numbers:
TFAC - 8370-3333
PNP Rodriguez- 0998-598-5727


22/10/2025
20/10/2025

BUY-BUST OPERATION SA BRGY. SAN JOSE, NAGRESULTA SA PAGKAKAARESTO NG SUSPEK AT PAGKAKASAMSAM NG HIGIT 14 GRAMONG SHABU

Matagumpay na buy-bust operation ang isinagawa ng Municipal Drug Enforcement Team ng Rodriguez Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Municipal Anti-Drug Abuse Unit (MADAU), at Task Force Anti-Criminality, bandang 12:10 ng madaling-araw ng Oktubre 19, 2025 sa Lawaan St., Brgy. San Jose.

Sa operasyon, nasamsam ang tinatayang 14.42 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱98,056, isang improvised 12-gauge pistol, buy-bust money, at iba pang kagamitan.

Patuloy na nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Montalban, sa pangunguna ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), sa Rodriguez MPS at Task Force Anti-Criminality Rodriguez sa pagpapatupad ng batas at sa mas pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga para sa isang ligtas, maayos, at maunlad na Montalban.

Huwag matakot. Maging mapagmatyag. Mag-report!
📞 TFAC – 8370-3333
📞 PNP Rodriguez – 0998-598-5727



10/10/2025

BUY-BUST OPERATION, TAGUMPAY! HIGIT 12 GRAMO NG SUSPECTED SHABU NASABAT SA BRGY. SAN JOSE

Matagumpay na isinagawa ng Rodriguez Municipal Police Station (MPS), sa pakikipag-ugnayan ng PDEA, Municipal Anti-Drug Abuse Unit at Task Force Anti-Criminilaity, ang isang buy-bust operation sa Palosapis St., Brgy. San Jose, kaninang madaling araw, Oktubre 10, 2025.

Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 12.46 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱84,728, kasama ang ilang ebidensiyang ginamit sa iligal na aktibidad.

Bahagi ang operasyon ng patuloy na kampanya ng PNP at Pamahalaang Bayan ng Montalban laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan, kaligtasan, at kaayusan sa ating komunidad.

Huwag matakot. Maging mapagmatyag. Mag-report!

📞 TFAC – 8370-3333
📞 PNP Rodriguez – 0998-598-5727



07/10/2025

MATAGUMPAY NA OPERASYON LABAN SA ILEGAL NA PAGMAMAY-ARI NG BARIL

Matagumpay na naisagawa ng mga tauhan ng Rodriguez Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Task Force Anti-Criminality Rodriguez, ang isang operasyon sa bisa ng search warrant na inilabas ng Korte, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act.

Sa isinagawang operasyon nitong Oktubre 6, 2025, dakong alas-9 ng gabi, nakumpiska ng mga awtoridad ang ilang uri ng baril at mga bala mula sa target na lugar sa Brgy. San Jose.

Bahagi ang matagumpay na operasyon ng mas pinaigting na kampanya ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.) para sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat Montalbeño.

Dinala naman ang mga nakuhang armas sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa ballistic examination, habang patuloy na isinasagawa ang masusing imbestigasyon sa kaso.

Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Montalban sa pakikipag-ugnayan sa ating kapulisan para sa isang ligtas at maayos na komunidad.

Huwag matakot, magreport!

Hotline numbers:
TFAC - 8370-3333
PNP Rodriguez- 0998-598-5727

06/10/2025

PANAWAGAN SA PUBLIKO

Nanawagan ang Pamahalaang Lokal ng Montalban sa lahat na makiisa at magbigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa paghahanap kay Roxchelle B. Salazar, 17 taong gulang, na huling nakita sa paligid ng Mandaluyong.

Kung mayroong impormasyon na makatutulong upang siya ay matagpuan, mangyaring makipag-ugnayan kaagad sa mga numerong nakasaad sa larawan.

Lubos naming pinahahalagahan ang inyong kooperasyon upang siya ay muling makapiling ng kanyang pamilya.

ISANG SUSPEK, KALABOSO SA BUY-BUST OPERATION SA SOUTHVILLE 8C., BRGY. SAN ISIDRO RODRIGUEZ RIZAL.Sa ikinasang Buy-bust o...
03/10/2025

ISANG SUSPEK, KALABOSO SA BUY-BUST OPERATION SA SOUTHVILLE 8C., BRGY. SAN ISIDRO RODRIGUEZ RIZAL.

Sa ikinasang Buy-bust operation ng Rodriguez MPS – Municipal Drug Enforcement Team, katuwang ang Task Force Anti-Criminality (TFAC), nasakote ang isang (1) indibidwal ngayung October 3, 2025 sa Southville 8C., Barangay. San Isidro Rodriguez Rizal. narekober mula sa suspek ang Limang (5) na sachet ng hinihinalang Shabu na may timbang na humigit-kumulang (12.2) na gramo na nagkakahalaga ng tinatayang ₱82,960.00. Kabilang din sa mga nakumpiska ang marked money at iba pang ebidensya.
Ang droga ay hindi solusyon sa problema—ito mismo ang mas malaking problema. Patunay ito ng patuloy na kampanya ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.) at ng Pamahalaang Bayan ng Montalban laban sa illegal na droga na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.
Maging mapagmatyag, makiisa, at agad magsumbong sa mga awtoridad kung may kahina-hinalang aktibidad sa inyong komunidad.
📞 MONTALBAN 911 EMERGENCY HOTLINE
📞 TFAC – 8370-3333
📞 PNP Rodriguez – 0998-598-5727


STOP ILLEGAL GAMBLING An Act increasing the penalties for illegal Gambling Number Games, Amending certain provisions of ...
01/10/2025

STOP ILLEGAL GAMBLING
An Act increasing the penalties for illegal Gambling Number Games, Amending certain provisions of P.D. 1602 and for the either purpose.
#𝑺𝒂𝑩𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔𝑨𝒏𝒈𝑮𝒖𝒔𝒕𝒐𝒏𝒈𝑷𝒖𝒍𝒊𝒔𝑳𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔𝑲𝒂
#𝑻𝒐𝑺𝒆𝒓𝒗𝒆𝒂𝒏𝒅𝑷𝒓𝒐𝒕𝒆𝒄𝒕

Address

J. P Rizal Brgy Balite Rodriguez
Rizal

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Task Force Anti-Criminality posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share