24/03/2026
๐ฝ๐ฎ๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐๐ช๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ, ๐ผ๐ฃ๐ค ๐๐๐ง๐?
Sa bawat kanto ng hirap at pagod, may mga kwento tayong hindi malilimutan. Mula sa mga tawanan kasama ang mga tunay na kaibigan hanggang sa mga schoolworks na minsan mapapa-"ayoko na". 'Yung mga practice na halos walang katapusan, at mga gabing kulang sa tulog dahil sa sunod-sunod na gawain... Pero tignan niyo namanโheto na tayo malapit na tayo sa dulo ng ruta.
Sa ating mga magsisipagtapos, dalhin niyo ang inyong mga naging aral mula sa paaralan at simulan niyo ang inyong paglalakbay nang may ngiti sa inyong mga labi at tapang na sumubok sa mga bagong daan.
Hindi dito nagtatapos ang byahe; bagkus, ito ang ating huling hinto bago tayo tumahak sa mas malawak na kalsada ng buhay.
Binabati namin kayo, Teresians Batch 2026!
Graduation, Ano Tara? ๐โจ