Sangguniang Bayan ng Jalajala 2025-2028

  • Home
  • Sangguniang Bayan ng Jalajala 2025-2028

Sangguniang Bayan ng Jalajala 2025-2028 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Bayan ng Jalajala 2025-2028, Government Organization, Jalajala, .

Maligayang Araw ng Kalayaan!Ngayong Hunyo 12, ginugunita natin ang Araw ng Kalayaan at nagbibigay-pugay sa mga bayaning ...
11/06/2026

Maligayang Araw ng Kalayaan!

Ngayong Hunyo 12, ginugunita natin ang Araw ng Kalayaan at nagbibigay-pugay sa mga bayaning nagsakripisyo para makamit ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.

Nawa’y maging paalala ang araw na ito na ang tunay na kalayaan ay kaakibat ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at sama-samang pagkilos para sa ikauunlad ng ating komunidad at ng buong bansa.

Kaisa ang Sangguniang Bayan ng Jalajala sa pagtataguyod ng mga pagpapahalagang ito para sa mas maunlad na kinabukasan ng ating bayan.

Maligayang Ika-125 Taong Anibersaryo ng Lalawigan ng Rizal!Sa loob ng 125 taon, naging huwaran ang Lalawigan ng Rizal sa...
11/06/2026

Maligayang Ika-125 Taong Anibersaryo ng Lalawigan ng Rizal!

Sa loob ng 125 taon, naging huwaran ang Lalawigan ng Rizal sa pagkakaisa, paglilingkod, at patuloy na pag-unlad. Kaisa ang Sangguniang Bayan ng Jalajala, sa pamumuno ni Vice Mayor Ramil V. Escarmosa, sa pagdiriwang ng makasaysayang tagumpay na ito at sa pagsusulong ng isang mas maunlad at mas luntiang kinabukasan para sa lahat ng Rizaleño.

Rizal: 125 Years of Unity and Prosperity
June 11, 2026

Taos-pusong binabati ng Sangguniang Bayan ng Jalajala, Rizal si Congressman Dino Tanjuatco ng Ikalawang Distrito ng Riza...
09/06/2026

Taos-pusong binabati ng Sangguniang Bayan ng Jalajala, Rizal si Congressman Dino Tanjuatco ng Ikalawang Distrito ng Rizal sa pagkilala sa kanya ng RPMD Foundation, Inc. bilang "Recognized for Outstanding Public Service and Commitment to the People of Rizal's 2nd District."

Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy niyang paglilingkod, pakikiisa sa mga mamamayan, at pagsusulong ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga nasasakupan sa Ikalawang Distrito ng Rizal.

Kaisa ang Bayan ng Jalajala sa pagpupugay sa inyong dedikasyon at malasakit sa kapakanan ng bawat Rizaleño.

Congratulations po, Cong. Dino Tanjuatco!

Taos-pusong binabati ng Sangguniang Bayan ng Jalajala, Rizal si Gov. Nina Ynares sa pagkilala sa kanya ng RPMD Foundatio...
09/06/2026

Taos-pusong binabati ng Sangguniang Bayan ng Jalajala, Rizal si Gov. Nina Ynares sa pagkilala sa kanya ng RPMD Foundation, Inc. bilang one of CALABARZON's Most Trusted and Best-Performing Governors.

Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa matatag na pamumuno, mahusay na pamamahala, at tapat na paglilingkod na patuloy na nagbibigay ng positibong pagbabago at kaunlaran sa Lalawigan ng Rizal.

Kaisa ang Bayan ng Jalajala sa pagpupugay sa inyong dedikasyon at malasakit sa kapakanan ng bawat Rizaleño.

Congratulations po, Gov. Nina Ricci Ynares!

JUNE 8, 2026Nakatakdang magsagawa ng Lupong Pagdinig ang Lupon sa Pananalapi, Badyet, at Apropriyasyon at Lupon sa Batas...
08/06/2026

JUNE 8, 2026

Nakatakdang magsagawa ng Lupong Pagdinig ang Lupon sa Pananalapi, Badyet, at Apropriyasyon at Lupon sa Batas, Alituntunin, Etika, Pribilehiyo at Mabuting Pamamahala upang talakayin ang kahilingan kaugnay ng pagbabago ng katayuan ng ilang posisyon mula permanent patungong co-terminous.

Gayunman, hindi natuloy ang nasabing pagdinig dahil sa kakulangan ng mga miyembro ng komite upang makabuo ng quorum.






JUNE 8, 2026IKA-44 PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG JALAJALADahil sa kakulangan ng quorum, ang Ika-44 Pangk...
08/06/2026

JUNE 8, 2026
IKA-44 PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG JALAJALA

Dahil sa kakulangan ng quorum, ang Ika-44 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Jalajala ay idineklarang adjourned.






Nakiisa ang Sangguniang Bayan ng Jalajala kasama ang ilang mga Kapitan ng Barangay sa ginanap na Flag Raising Ceremony n...
07/06/2026

Nakiisa ang Sangguniang Bayan ng Jalajala kasama ang ilang mga Kapitan ng Barangay sa ginanap na Flag Raising Ceremony ngayong Lunes ng umaga, June 8, na pinangunahan ng Tanggapan ng Silid Aklatan.

JUNE 1, 2026Tinalakay ng Lupon sa Pananalapi, Badyet, at Apropriyasyon ang sumusunod na usapin:• Kahilingan mula sa Tang...
01/06/2026

JUNE 1, 2026

Tinalakay ng Lupon sa Pananalapi, Badyet, at Apropriyasyon ang sumusunod na usapin:

• Kahilingan mula sa Tanggapan ng Alkalde kaugnay ng mga panukalang pagbabago sa Annual Investment Program (AIP) ng Bayan para sa Taong 2026, kabilang ang paglalaan ng karagdagang pondo para sa iba't ibang programa at proyekto.

Pinangunahan ang pagpupulong ni Committee on Finance Chairman Hon. Joselito A. Pillas, Hon. Randy B. Delos Santos, Hon. Racky B. Dumandan, at Hon. Manolito M. Estrella.






JUNE 1, 2026Tinalakay ng Lupon sa Agrikultura at Repormang Agraryo ang sumusunod na usapin:• Resolusyon na humihiling ng...
01/06/2026

JUNE 1, 2026

Tinalakay ng Lupon sa Agrikultura at Repormang Agraryo ang sumusunod na usapin:

• Resolusyon na humihiling ng tulong mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa pagkakaloob ng mga kagamitang pangisda na makatutulong sa mga mangingisda sa mga baybaying barangay ng Bayan ng Jalajala.

Pinangunahan ang pagpupulong ni Committee on Agriculture Chairman Hon. Randy B. Delos Santos at Vice Chairman Hon. Racky B. Dumandan, Hon. Joselito A. Pillas, at Hon. Manolito M. Estrella.






JUNE 1, 2026Tinalakay ng Lupon sa mga Batas, Tuntunin, Etika, Pribilehiyo at Mabuting Pamamahala, at Lupon sa Pabahay at...
01/06/2026

JUNE 1, 2026

Tinalakay ng Lupon sa mga Batas, Tuntunin, Etika, Pribilehiyo at Mabuting Pamamahala, at Lupon sa Pabahay at Paggamit ng Lupa ang sumusunod na usapin:

• Reklamong inihain ng Samahang Sitio Mabilog Magsasaka Bilad Oras-Oras Gumagawa Brgy. Punta, Jalajala, Rizal, Inc. kaugnay ng umano'y hindi pagpapatupad ng isang pinal at executory na Writ of Ex*****on at Resolution.

Pinangunahan ang pagpupulong ni Committee on Laws Chairman Hon. Manolito M. Estrella at Committee on Housing Chairman Hon. Racky B. Dumandan at Vice Chairman Hon. Joselito A. Pillas, Hon. Vice Mayor Ramil V. Escarmosa, Hon. Randy B. Delos Santos, at Hon. Clemente P. Relon.






Address

Jalajala

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan ng Jalajala 2025-2028 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share