07/08/2026
Kalaman ang Unang Hakbang | HIV Awareness Seminar
RODRIGUEZ, RIZAL — Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga kawani, nagsagawa ang Rodriguez Municipal Jail – Female Dormitory ng HIV Awareness Seminar para sa mga personnel ng yunit.
Isinagawa ang makabuluhang talakayan sa pangunguna ni SJO1 Anita F Teodoro, Unit Nurse, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV), kabilang ang paraan ng transmission, mga hakbang sa pag-iwas, kahalagahan ng HIV testing, paggamot, at mga karaniwang maling paniniwala tungkol sa HIV.
Binigyang-diin sa seminar na ang tamang kaalaman ay mahalagang hakbang sa pag-iwas sa HIV, gayundin sa pagsusulong ng responsableng pangangalaga sa kalusugan at pagbawas ng stigma at diskriminasyon laban sa mga taong nabubuhay na may HIV.
Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni SJO4 Gina Seragon Dulpina, Officer-in-Charge. Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na isinusulong ng yunit na ito ang isang ligtas, malusog, at may malasakit na kawanihan kung saan ang bawat isa ay may sapat na kaalaman upang mapangalagaan ang sariling kalusugan at kapakanan ng iba.
BJMP Regional Office CALABARZON
Bayan ng Montalban
BJMP Rizal Provincial Jail Administrator's Office
Bjmp Rodriguez MJ FD
------------------------------------------
Para sa iba pang mga balita at updates, huwag kalimutang i-Follow at i-Like ang aming page. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta! https://www.facebook.com/rodriguezmunicipaljailfemaledormitory/