03/09/2026
๐๐๐๐๐๐ฌ ๐๐๐จ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก: ๐ฆ๐จ๐๐๐ง ๐๐๐ ๐๐ฌ โ ๐๐๐ ๐ช๐ฅ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ง๐๐๐๐๐ง ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐จ๐ง๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ - Burgos Annex Child Development Center๐โ๏ธ
Bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026, namahagi ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Burgos, sa pangunguna ni SK Chairman Victor Neri, kasama ang Katipunan ng Kabataan, ng LCD Writing Tablets sa mga mag-aaral ng Burgos Annex Child Development Center bilang suporta sa kanilang pagkatuto at paglinang ng kanilang mga kasanayan sa pamamagitan ng makabagong kagamitan sa pag-aaral.
Layunin ng programang ito na mahikayat ang ating mga kabataan na maging mas aktibo at masaya sa kanilang pag-aaral, habang nabibigyan sila ng mga kagamitang makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pagkatuto.
Maraming salamat sa ating g**o na si Mam Cristina Guan na tumulong upang maisakatuparan ang programang ito, sa ating Katipunan ng Kabataan, at sa ating Punong Barangay Kap. Melvin Ace Sta Isabel at buong Sangguniang Barangay sa patuloy na suporta sa mga programa para sa ating kabataan.