30/08/2026
ππππππππππ ππ ππππ, πππππππ ππππππ πππππ ππ ππππππ ππ πππππππ, ππππ ππππππ
πππππππ: Walang naitalang nasugatan o nasawi sa nangyaring insidente matapos na ligtas na nakalangoy pabalik sa dalampasigan ng Brgy. Punta, Looc, Romblon ang walong indibidwal kabilang ang kapitan at pitong crew members ng LCT βPMI 3β nang tumaob ang sinaksakyang MBCA βJohn Michaelβ sa gitna ng malalakas na alon dulot ng Habagat.
Ayon sa imbestigasyon ng Coast Guard Sub-Station Looc at Looc Municipal Police Station, nakasilong ang LCT βPMI 3β sa Looc Bay dahil sa masungit na panahon. Gayunpaman, pumalaot pa rin ang mga tripulante patungong bayan upang bumili ng probisyon. Sa kanilang pagbabalik, pinasok ng tubig-dagat ang motorbanca dahil sa malalakas na alon hanggang sa ito ay tuluyang tumaob.
Binigyang-diin ng PCG ang kawalan ng sapat na paghahanda at pag-iingat ng pamunuan ng LCT βPMI 3.β Sa kabila ng maagang mga babala ukol sa epekto ng Habagat at weather disturbance, nabigo ang kapitan at crew na mag-imbak ng sapat na probisyon bago pa man sumama ang panahon, na siyang nagtulak sa kanila na lumaot at maglagay sa sarili sa peligro.
Mabilis na nakipag-ugnayan ang mga awtoridad kay Barangay Captain Hon. Edificio Gabat upang pansamantalang patuluyin ang mga tripulante sa Brgy. Punta Evacuation Center. Dahil sa kawalan ng liwanag at patuloy na sungit ng gabi, ipinagpaliban muna ang retrieval operations. Kinabukasan, natagpuan at nahila ang MBCA βJohn Michaelβ pabalik sa dalampasigan ng Brgy Agojo, kung saan naitala ang bahagyang pinsala sa makina, canopy, at istruktura ng bangka.
Upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga tripulante, ang Coast Guard Sub-Station Looc katuwang ang MDRRMO Looc ang mamamahala at mag-aassist sa ligtas, maayos, at garantisadong pagbabalik ng walong indibidwal sa LCT "PMI 3."
Samantala, matapos ang masusing beripikasyon, kinumpirma ng PCG na walang kaukulang rehistro at dokumento ang MBCA βJohn Michaelβ sa ilalim ng DOTr Memorandum Circular No. 2017-001 o Safety, Security, and Environmental Numbering (SSEN) System. Kaugnay nito, agad na nag-isyu ang PCG ng opisyal na babala at direktiba sa may-ari ng bangka upang asikasuhin ang rehistrasyon nito, sabay ang babala na hindi pahintulutan ang pagpapatakbo ng mga colorum na vessel sa sakop nitong karagatan.
Tinitiyak ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lalo pang paghihigpit sa mga inspeksyon at pagpapatupad ng mga regulasyong pangkaligtasan upang masugpo ang mga ilegal at hindi rehistradong biyahe sa karagatan.
Muling pinapaalalahanan ng PCG ang lahat ng mga vessel operators, kapitan, at crew na maging responsable sa pag-iimbak ng probisyon bago pa man dumating ang masungit na panahon.