06/08/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | MEASLES-RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY (MR-SIA), OPISYAL NANG INILUNSAD SA BAYAN NG ROMBLON
Pormal nang inilunsad kahapon, Agosto 5, 2026 sa Bayan ng Romblon ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) "Ligtas Tigdas" Regional Launching, bilang hudyat ng pagsisimula ng mas pinaigting na kampanya laban sa tigdas at rubella sa buong MIMAROPA.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang motorcade na nilahukan ng Department of Health (DOH) MIMAROPA Center for Health Development, Provincial Health Office (PHO), Rural Health Unit (RHU) Romblon, Local Government Unit ng Romblon, JCI Romblon, mga health workers, partner agencies, at iba pang stakeholders bilang pagpapakita ng kanilang sama-samang suporta sa kampanya para sa kaligtasan ng bawat batang MIMAROPAn.
Kasunod nito ay ang pormal na programa na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa pambansa at lokal na pamahalaan, kabilang sina Hon. Mayor Atty. Gerard S. Montojo; Hon. SB Member Mart Arthur Silverio; Hon. Trina Firmalo-Fabic, sa pamamagitan ni Dr. Ramer Ramos; Regional Director Dr. Rodolfo Antonio M. Albornoz, MPH, MDM, CESO IV ng DOH MIMAROPA Center for Health Development; Dr. Jennica Marie S. Gonzales, kinatawan ng Office of Undersecretary Gloria J. Balboa; OIC-Provincial Health Officer Dr. Lino Marcus M. Viola III; Hon. SB Member Ma. Hannah Angelica M. Fontilar, Chairperson ng Committee on Health ng Sangguniang Bayan ng Romblon; Municipal Health Officer Dra. Merly Valen Mallorca; JCI Romblon; gayundin ang mga kinatawan mula sa Provincial DOH Office.
Tampok sa programa ang MR-SIA Overview, mga mensahe ng suporta mula sa mga opisyal, Health Buzz, Pledge of Commitment, Ceremonial Vaccination, community dance, at ang opisyal na paglulunsad ng vaccination at iba pang medical at health services.
Layunin ng MR-SIA na maprotektahan ang mga batang may edad 6 hanggang 59 buwan laban sa tigdas at rubella sa pamamagitan ng isang ligtas, epektibo, de-kalidad, at libreng bakuna. Isasagawa ang nationwide MR-SIA campaign mula Agosto 10 hanggang 28, 2026, kung saan hinihikayat ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na vaccination site upang matiyak ang kanilang proteksyon laban sa mga sakit na ito.