01/05/2026
📣 PAANYAYA SA LAHAT NG TAGA-BARANGAY LIMON SUR!
Sa darating na Mayo 9, 2026, sama-sama nating ipagdiwang ang ating "𝙋𝙞𝙨𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙧𝙮𝙤" —isang araw ng pagkakaisa, pagbibigayan, at walang kapantay na kasiyahan!
Inaanyayahan ang bawat isa na makilahok sa ating salu-salo na gaganapin sa gitna ng Rice Drying Area.
Magkakaroon tayo ng griller kung saan maaaring magdala ng iba’t ibang pagkain na maari nating ihawin tulad ng:
- Saging na saba (pang-ihaw)
- Isdang iliw o iba pang isda na ating iihawin
- Kamote
- Tuyo o daing
- Hotdogs
- Karne
Maaari ring magdala ng:
- Kanin
- Suman (ibos) at iba pang klase nito
- Kakanin tulad ng biko
- Ginataang puso o langka
- Gulay
- Mangga
MAHALAGANG PAALALA:
Ang lahat ng pagkaing dadalhin ay para sa LAHAT—ito ay ating pagsasalo-salo bilang isang nagkakaisang komunidad.
Walang kanya-kanya, kundi sabay-sabay na magbabahagi at magsasaya.
Tumatanggap pa rin po ang Barangay Limon Sur ng mga sponsorship para sa pagkain.
At kahit ano pong pagkain na inyong maibabahagi, maliit man o malaki, ay taos-puso po naming tatanggapin para sa buong Barangay Limon Sur.
🚫 MAHIGPIT NA PATNUBAY SA KASOLOKUKUYANG OKASYON:
• Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng naka-shorts, naka-sando, at naka-tsinelas (maliban kung sandals na maayos ang suot)
• Bawal magdala ng patalim o anumang matatalim na bagay
• Isasagawa ang frisking/inspection sa mga papasok upang masiguro ang kaligtasan ng lahat
• Bawal ang v**e at sigarilyo sa gitna ng sayawan at loob ng event area
• Ang mga sharp objects ay kukumpiskahin alinsunod sa patakaran ng seguridad
At matapos ang masayang kainan…
DANCE, DANCE, DANCE!
Mula 7:00 PM hanggang 12:00 MN, samahan ninyo kami sa sayawan at kasiyahan!
Ihanda ang inyong mga galaw at sabay-sabay nating pasayahin ang gabi ng ating pista!
Ipagdiwang natin ang tunay na diwa ng Barangay Limon Sur—mapagmahal, mapagbigay, at nagkakaisa.
Kita-kits, mga ka-barangay!

🚫 MAHIGPIT NA PATNUBAY SA KASALUKUYANG OKASYON: