Japhet Mani Rios

Japhet Mani Rios Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Japhet Mani Rios, Public & Government Service, Romblon.

Congrats Sir Kim Faderon! ๐Ÿซฐ
15/09/2026

Congrats Sir Kim Faderon! ๐Ÿซฐ

The Department of Tourism MIMAROPA conveys its warmest congratulations to Mr. Kim Anthony Faderon following his confirmation by the Sangguniang Panlalawigan of Romblon as the first Provincial Government Department Head of the Romblon Provincial Tourism and Cultural Affairs Office.

Signed on August 28, 2026, this significant appointment represents a major step forward in advancing the tourism and cultural development of the Region.

We wish Mr. Faderon every success in his role and look forward to continued collaboration in promoting Romblon's vibrant heritage and natural beauty.


๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ธ, ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ต๐˜‚๐—ต๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป? NO TO MINING IN SIBUYAN!!
18/07/2026

๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ธ, ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ต๐˜‚๐—ต๐˜‚๐—ด๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป?

NO TO MINING IN SIBUYAN!!

18/07/2026

PAHAYAG

Ang naging pag-apruba ng Sangguniang Bayan ng San Fernando sa resolusyong nag-eendorso sa aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) ay isang seryosong usapin na nangangailangan ng masusing pagsusuri at agarang atensyon. Bagamaโ€™t ang naturang endorsement ay bahagi pa lamang ng mas malawak na proseso at hindi pa pinal na pag-apruba sa proyekto, ang ganitong usapin ay hindi nararapat na idaan sa padalos-dalos na pag-apruba. Ito ay dapat masusing pinag-aralan at binigyan ang mga mamamayan ng pagkakataon na mapakinggan.

Ang biodiversity at ecological significance ng Sibuyan ay likas na kayamanan na kapag nawala ay hindi na basta-bastang maibabalik. Ang tunay na kaunlaran ay hindi nasusukat lang sa dami ng mga proyektong naipatutupad, kundi sa kakayahan nating tiyakin na ang pag-unlad ay hindi isinasakripisyo ang kalikasan na siyang pinagmumulan ng buhay at kabuhayan ng ating mga mamamayan.

Nananatiling matatag ang ating paninindigan na ang pag-unlad ng Romblon ay dapat laging kaagapay ng pangangalaga sa ating kalikasan. Ang ating tanggapan ay aktibong makikipagtulungan sa mamamayan upang isulong ang mga pasyang inuuna ang pangmatagalang kapakanan ng bawat Romblomanon at ng mga susunod pang henerasyon.

01/07/2026

Sa loob ng isang taon, hindi natin tinahak ang landas ng paglilingkod nang nag-iisa. Sa bawat barangay na ating napuntahan, sa bawat kamay na ating nahawakan, sa bawat kwentong ating napakinggan, at sa bawat pangarap na ating pinagsikapang maisakatuparan, katuwang natin ang bawat Romblomanon.

Ang Serbisyong May Puso ay hindi lamang tungkol sa mga proyektong natapos o mga programang naihatid. Ito ay tungkol sa tiwala, pakikiisa, at pagmamahal sa ating lalawigan. Ito ay bunga ng sama-samang pagkilos ng isang pamahalaang bukas na makinig at ng mamamayang handang makibahagi.

Maraming salamat sa inyong tiwala, suporta, at pakikipagtulungan. Kayo ang inspirasyon sa likod ng bawat hakbang na ating ginagawa.

Ito pa lamang ang simula. Magpapatuloy tayong maglingkod nang may puso, malasakit, at paninindigan dahil ang tunay na tagumpay ng Romblon ay tagumpay nating lahat.

Unang Taon ng Sama-samang Paglilingkod, Katuwang ang Bawat Romblomanon. ๐Ÿซถ๐Ÿป




08/06/2026

๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐, ๐ˆ๐‹๐”๐‹๐”๐๐’๐€๐ƒ ๐’๐€ ๐‘๐Ž๐Œ๐๐‹๐Ž๐

Isang magandang balita para sa mga magulang na may mga anak na nangangailangan ng espesyal na atensyong medikal.

Sa direktiba ni Gov. Trina Firmalo-Fabic, nakipagtulungan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon sa World Surgical Foundation Philippines para sa gaganapin na Pediatric Surgical Mission: Colostomy Freedom Project ngayong darating na June 26-29, 2026 sa Romblon Provincial Hospital.

Bukod sa colostomy cases, bukas din ang surgical mission para sa mga batang may mga sumusunod na kondisyon:
โ€ข ๐—”๐—ป๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป
โ€ข ๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—”๐—ป๐˜‚๐˜€
โ€ข ๐—จ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ง๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—น๐—ฒ๐˜€
โ€ข ๐—›๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐—ฐ๐—ต๐˜€๐—ฝ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ดโ€™๐˜€ ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ
โ€ข ๐—œ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐—ฎ
โ€ข ๐—–๐—น๐—ฒ๐—ณ๐˜ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฝ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฒ
โ€ข ๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜€/๐—Ÿ๐—ถ๐—ฝ๐—ผ๐—บ๐—ฎ ๐—˜๐˜…๐—ฐ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป

Para sa screening, opisyal na pagpaparehistro, at iba pang mga katanungan, maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga sumusunod na person-in-charge:
โ€ข ๐——๐—ผ๐—น๐—น๐˜† ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ผ: ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿฑ๐Ÿฒ-๐Ÿด๐Ÿฒ๐Ÿฒ-๐Ÿฌ๐Ÿฒ๐Ÿฑ๐Ÿฏ
โ€ข ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—บ ๐— . ๐—”๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป: ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿญ๐Ÿฌ-๐Ÿฐ๐Ÿต๐Ÿฌ-๐Ÿด๐Ÿณ๐Ÿณ๐Ÿฒ

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ: Limitado lamang po ang slot kayaโ€™t hinihimok ang mga magulang na irehistro nang maaga ang kanilang mga anak upang masuri at maihanda bago ang takdang araw ng operasyon.

Ibahagi po natin ang impormasyong ito upang maabot ang mga pamilyang higit na nangangailangan ng tulong medikal.


25/05/2026
09/01/2026

Heads up sa lahat ng pupunta sa Romblon Island for ! Ang Starhorse Shipping Lines, Inc. ay aalis mamayang alas dose y medya ng umaga (January 10, 2026; 12:30 A.M) mula San Agustin to Romblon, .

Stay tuned for more updates.

Address

Romblon
5501

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Japhet Mani Rios posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share