20/06/2026
TINGNAN | CONDUCTED INVENTORY OF EXISTING INFRASTRUCTURES AND AVAILABLE TECHNICAL RESOURCES SA BAYAN NG ROMBLON
Matagumpay na isinagawa ang Inventory of Existing Infrastructures at Inventory of Available Technical Resources sa 31 barangay ng Bayan ng Romblon bilang bahagi ng paghahanda sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong palakasin ang katatagan at kahandaan ng mga komunidad.
Layunin ng aktibidad na makalikom ng komprehensibong datos hinggil sa mga umiiral na imprastraktura ng bawat barangay, gayundin sa mga available technical resources tulad ng mga equipment, skilled laborers, unskilled laborers, at mga pakyaw groups na maaaring magamit sa pagpapatupad ng mga sub-project sa komunidad.
Ang aktibidad ay pinangunahan nina ACT Technical Facilitator Engr. Jean Marie M. Magyaya at MCT Technical Facilitator Conrad M. Caldit, katuwang ang iba pang ACT/MCT Staff at ang mga Opisyal ng Barangay mula sa 31 barangay na aktibong nakibahagi sa pangangalap ng mahahalagang impormasyon.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DSWD KALAHI-CIDSS PCRP, mga barangay officials, at iba pang lokal na katuwang, patuloy na isinusulong ang isang mas matatag, mas handa, at mas inklusibong pamayanan para sa lahat.
Isinulat ni: Engr. Jean Marie M. Magyaya
Technical Facilitator