SB Gerardo C. Garnado

SB Gerardo C. Garnado Ganadong serbisyo, kay GARNADO sigurado!

Oktubre 5 | Senate Office, ManilaPersonal na nakaharap at nakipag-ugnayan tayo kay Sen. Bam Aquino, Chair ng Committee o...
07/10/2026

Oktubre 5 | Senate Office, Manila

Personal na nakaharap at nakipag-ugnayan tayo kay Sen. Bam Aquino, Chair ng Committee on Education, kasama ang kanyang Executive Secretary, upang i-verify at i-follow up ang ating resolution request para sa iba't ibang construction at repair projects ng mga school buildings at facilities na ating hinihiling na mapondohan sa ilalim ng GAA 2026.

Layunin natin na matugunan ang mga kinakailangang pasilidad para sa ating mga elementary at high school learners, upang mas maging ligtas, maayos, at angkop ang kanilang learning environment.

Patuloy din nating sinusuri at ina-update ang mga kinakailangang dokumento at LGU modules bilang bahagi ng proseso.

Serbisyo, pakikipag-ugnayan, at tuloy-tuloy na pagsusulong para sa mas maayos na edukasyon at pasilidad ng ating mga paaralan.

IN PHOTO || A Celebration of Excellence, Service, and a New Beginning. Isang espesyal na pagdiriwang para sa Birthday at...
01/10/2026

IN PHOTO || A Celebration of Excellence, Service, and a New Beginning.

Isang espesyal na pagdiriwang para sa Birthday at Retirement ng ating Municipal Treasurer, Ms. Elsei Baluis Pedres—isang Provincial Awardee for Best Municipal Treasurer at huwaran ng tapat at mahusay na paglilingkod.

Mas naging makabuluhan ang okasyon sa presensya ng kanyang batchmates, family, friends, LGU family, at mga panauhin.

Happy Birthday and Happy Retirement, Ma’am Elsei!

Saludo sa isang buhay na inialay sa serbisyo—at cheers sa isang bagong kabanata na puno ng saya at biyaya.

LOOK ||  A Celebration of Unity and Service ✨Isang karangalan ang makiisa sa Foundation Day ng Barangay Nicanor Zabala, ...
01/10/2026

LOOK || A Celebration of Unity and Service ✨

Isang karangalan ang makiisa sa Foundation Day ng Barangay Nicanor Zabala, kasama ang ating mga masisipag na lingkod-bayan na sina Brgy. Kap. John De Asis, Kgd. Jaime Lagrosa, Kgd. Charlie Bacomo, Kgd. Rex Daquer, at PTA Pres. Paking Alcantara.

Sa pagkakaisa at sama-samang paglilingkod, mas matatag nating naitataguyod ang isang mas maunlad at mas nagkakaisang komunidad. 🤝

Mabuhay ang Barangay Nicanor Zabala! 🇵🇭

PANANAMPALATAYA | KAHUSAYAN |  PAGKAKAISA. 🕌✨Isang malaking karangalan ang maging Pangunahing Tagapagsalita sa Division ...
09/09/2026

PANANAMPALATAYA | KAHUSAYAN | PAGKAKAISA. 🕌✨

Isang malaking karangalan ang maging Pangunahing Tagapagsalita sa Division Musabaqah ng Palawan dito sa Roxas, na dinaluhan ng mga kabataang kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Lubos ang aking pasasalamat sa presensya nina Dr. Loida Adornado, CESO V, Schools Division Superintendent; Hon. Mayor Pedy Sabando; BM Pineda; BM Sabando; Supervisors Oblan, Badilla, at Boy Tahan; mga punong-g**o, g**o, pantas na Muslim, mga magulang, at mga tagapag-organisa, gayundin kina PSU Director Sir Reloj at Sir Regs Demalinao.

Sa ating mga kabataan: ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa medalya, kundi sa kaalamang natutuhan, mabuting pagkataong nabuo, at kabutihang naibabahagi sa kapwa.

Nawa’y ang Qur’an ay hindi lamang bigkasin ng inyong mga labi, kundi maisabuhay sa inyong puso, pagkatao, at gawa.

Mabuhay ang kabataan ng Palawan! Nawa’y pagpalain kayo ng Allah sa inyong paglalakbay tungo sa karunungan, kahusayan, at makabuluhang paglilingkod.

Patuloy nating isinusulong ang serbisyong tunay na nakakarating sa bawat barangay, lalo na sa mga komunidad na higit na ...
09/09/2026

Patuloy nating isinusulong ang serbisyong tunay na nakakarating sa bawat barangay, lalo na sa mga komunidad na higit na nangangailangan ng suporta.

Sa aking pagbisita sa Bgy. Taradungan Elementary School, personal kong nakadaupang-palad si Principal Allan Namia at nakita ang dalawang classroom na ginagawa para sa kanilang Integrated School. Halos matapos na ang proyekto, na naisakatuparan sa malaking bahagi dahil sa kanyang sariling pagsisikap, tiyaga, at malasakit—sa kabila ng kawalan ng sapat na pondo mula sa gobyerno.

Para sa akin, hindi dapat nakasalalay lamang sa sariling sikap ng ating mga g**o at school heads ang pagkakaroon ng maayos na pasilidad. Responsibilidad nating tiyakin na may suporta ang ating mga paaralan, g**o, at mga mag-aaral.

Nagpunta rin tayo sa pinakadulong bahagi ng Bgy. Bagumbayan, Roxas, kung saan nakasama natin si Principal Padul at ang kanyang mga kapwa g**o. Mahalaga ang ganitong mga pagbisita dahil dito natin mas nakikita ang tunay na kalagayan at pangangailangan ng ating mga komunidad.

Edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan. At ang tunay na serbisyo publiko ay hindi lamang nakikita sa sentro—dapat nararamdaman hanggang sa pinakadulong barangay.

IN PHOTOS || Isang makabuluhang pagsisimula ng ating ika-28 Anibersaryo, na pinangunahan ng Banal na Misa ni Fr. Roderic...
02/09/2026

IN PHOTOS ||

Isang makabuluhang pagsisimula ng ating ika-28 Anibersaryo, na pinangunahan ng Banal na Misa ni Fr. Roderick Caabay, kasama ang ating mga lokal na opisyal, school leaders, g**o, magulang, at mag-aaral.

Ang pagkakaisa ng paaralan, pamahalaang lokal, at komunidad ay mahalaga sa patuloy na pag-unlad at pagbibigay ng mas magandang kinabukasan sa ating mga kabataan.

Sa sama-samang paglilingkod, pagkakaisa, at malasakit magiging mas matatag ang ating komunidad.

Maligayang Ika-28 Anibersaryo!

Noong isang araw, nakiramay tayo sa isang pamilya sa Brgy. Caramay para sa paglibing ng ating dating retired teacher ng ...
02/09/2026

Noong isang araw, nakiramay tayo sa isang pamilya sa Brgy. Caramay para sa paglibing ng ating dating retired teacher ng Caramay Elementary School, si Ma’am Delia Rollan Mirano. 🕊️🙏

Kasabay ng araw na iyon, naisagawa rin ang aking isang araw na activity kasama ang Foundation ng Purok Sampaguita, Brgy. Salvacion, kung saan kabilang ang paglalagay at pag-aayos ng mga banderitas bilang bahagi ng aming munting gawain para sa komunidad.

Magkaiba man ang mga naging gawain—pakikiramay sa isang pamilya at paglilingkod sa komunidad—pareho itong naglalayong ipakita ang malasakit, pakikiisa, at pagmamahal sa kapwa.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi at tumulong. Sama-sama nating ipagpatuloy ang mga simpleng gawaing may malaking kahulugan.

IN PHOTOS || ISANG BAYAN, ISANG LAYUNIN: SERBISYONG MAY MALASAKIT AT PAG-UNLAD PARA SA LAHAT.Bilang lingkod-bayan, nanin...
02/09/2026

IN PHOTOS || ISANG BAYAN, ISANG LAYUNIN: SERBISYONG MAY MALASAKIT AT PAG-UNLAD PARA SA LAHAT.

Bilang lingkod-bayan, naniniwala ako na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa mga salita, kundi sa konkretong programa, paninindigan at pagkilos para sa ating mga kababayan.

Kaya naman isang malaking karangalan ang maging bahagi ng 1st Pedy Sabando Mayor’s Cup Baseball Tournament sa Brgy. San Jose. Bilang patuloy nating pagsuporta sa pagpapaunlad ng sports at paghubog sa ating kabataan, naisulong ko ang Resolution No. 294, na nagdedeklara sa ating barangay bilang Baseball Capital of our Municipality.

Ang sports ay hindi lamang laro. Ito ay paraan upang turuan ang ating kabataan ng disiplina, tiyaga, respeto, teamwork at pangarap. Patuloy nating susuportahan ang mga programang nagbibigay sa kanila ng positibong direksyon at oportunidad.

Samantala, kahapon ay nakasama natin ang ating Mahal na Mayor at mga kapwa ko sa Sangguniang Bayan na sina SB Apgao, Gabinete, Valdez at Borris sa pamamahagi ng relief goods sa ating mga kababayan sa So Cabugan Island at Brgy. Johnson Island.

Sa gitna ng epekto ng Habagat at Amihan, kung saan hindi makalaot ang ating mga mangingisda, tungkulin nating tiyaking hindi sila nakakalimutan. Sa panahon ng pangangailangan, naroon tayo upang tumulong, makiramay at kumilos.

Ito ang serbisyong nais nating ipagpatuloy—
serbisyong may malasakit, may paninindigan at may konkretong resulta.

Para sa kabataan.
Para sa mga pamilyang nangangailangan.
Para sa bawat kababayan.

Patuloy tayong maglilingkod. Patuloy tayong kikilos. At sama-sama nating iaangat ang ating bayan.

IN PHOTOS || Isang makabuluhang pagtitipon para sa Jolo Elementary School!Kuha ngayong araw sa Barangay Jolo Elementary ...
23/08/2026

IN PHOTOS || Isang makabuluhang pagtitipon para sa Jolo Elementary School!

Kuha ngayong araw sa Barangay Jolo Elementary School sa ginanap na Installation Ceremony ng ating bagong Head Teacher III, Ma’am Bernadette Tabi, at pagbibigay-pugay sa ating outgoing Head Teacher, Sir Dante Delatorre, na ngayon ay nakatalaga na sa Agustin Ello Elementary School, Barangay Dumarao.

Dinaluhan ang makabuluhang okasyong ito ng ating mga masisipag at dedikadong PSDS Supervisor ng South District, kasama rin ang PSDS Supervisor ng North District, Sir Boy Taha, mga kagalang-galang na Barangay Kagawad Hon. Bacaltos, Hon. Escubin, Hon. Palma, at Hon. Abrea, gayundin si Barangay Captain Gabriel Saclet, ang PTA President, at mga miyembro ng Principals mula sa South District.

Maraming salamat sa inyong lahat sa inyong presensya at suporta. Ang pagtutulungan ng paaralan, barangay, mga magulang, at ng buong komunidad ay patuloy na magiging daan tungo sa mas maunlad at dekalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan.

Congratulations, Ma’am Bernadette Tabi! Nawa’y maging matagumpay ang inyong pamumuno bilang bagong Head Teacher III.

Maraming salamat at good luck sa inyong bagong assignment, Sir Dante Delatorre! Dalangin namin ang patuloy ninyong tagumpay sa Agustin Ello Elementary School.

Padayon sa pagkakaisa at tapat na paglilingkod para sa edukasyon at kinabukasan ng ating mga kabataan!

LOOK || Usual na pagbisita ng ating dalawang masisipag na Kapitan! Nagpapasalamat tayo kina Kap. Sheba ng Barangay Anton...
23/08/2026

LOOK || Usual na pagbisita ng ating dalawang masisipag na Kapitan!

Nagpapasalamat tayo kina Kap. Sheba ng Barangay Antonino at Kap. Rich Dagomboy ng Barangay Malcampo sa kanilang patuloy na pagbisita, pakikipag-ugnayan, at malasakit sa ating mga kababayan. 🤝

Ang ganitong pagkakaisa at pagtutulungan ng ating mga lider ay tunay na mahalaga upang mas mapalakas ang serbisyo at mas mapabuti ang ating mga barangay.

Maraming salamat, mga Kapitan! Padayon sa tapat at masipag na paglilingkod! 💪❤️

Address

Barangay II
Roxas
5308

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SB Gerardo C. Garnado posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category