01/06/2026
It is my privilege to serve the Municipality of Rizal and its people.
Maraming salamat po sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong maipagpatuloy ang
serbisyong iniwan ng aking ama. Batid ko pong baguhan pa lamang ako sa larangang ito, ngunit sinisikap kong gawin ang lahat ng aking makakaya upang mapaglingkuran kayo nang tapat, manusay, at naaayon sa mandatong ipinagkatiwala sa akin bilang kahalili ng aking ama sa posisyon bilang miyembro ng ika-17 na Sangguniang Bayan.
Hindi man madali ang responsibilidad na ito, nagsisilbi itong inspirasyon upang lalo kong pagbutihin ang aking tungkulin para sa kapakanan ng ating bayan at mga mamamayan.
Lubos din po akong nagpapasalamat sa aking mga kasamahan sa Sangguniang Bayan, sa ating Ina ng Bayan, Vice Mayor Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta, at sa Ama ng ating Bayan, Mayor Norman S. Ong , na patuloy na gumagabay, nagtuturo, at humuhubog sa aking kaalaman at kakayahan bilang isang Sangguniang Bayan Member.
Muli, maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta. Asahan po ninyo na patuloy akong magsisikap na maging karapat-dapat sa pagkakataong ito at magsilbi nang may integridad, malasakit, at buong puso para sa
Bayan ng Rizal.
๐ท Host KC