Gender and Development Office - Roxas

Gender and Development Office - Roxas Gender and Development Office - Roxas, Oriental Mindoro

27/03/2026
25/03/2026

Celebrating the strength, courage, and brilliance of every woman this Women’s Month. 💜

Patuloy na lumalaban, umaangat, at nagbibigay-inspirasyon—ang kababaihan ay tunay na haligi ng pagbabago.



Disclaimer: I do not own the rights to this music. All credits go to the rightful owner.

Sa pagpapatuloy ng ating Women’s Month Celebration, ang afternoon program ay naging entablado ng mas malalim na pag-unaw...
24/03/2026

Sa pagpapatuloy ng ating Women’s Month Celebration, ang afternoon program ay naging entablado ng mas malalim na pag-unawa, pagbabahagi ng kwento, at pagpapakita ng tunay na lakas ng kababaihan. 💜✨
Mula sa iba’t ibang aktibidad, ating nasaksihan ang determinasyon, talento, at pagkakaisa ng bawat isa.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating itaguyod ang karapatan, dignidad, at kapangyarihan ng kababaihan sa bawat aspeto ng lipunan. 🌸

Taos-pusong pasasalamat sa aming mga sponsors na naging bahagi ng tagumpay ng ating Women’s Month Celebration! 💜🎁 Ang in...
24/03/2026

Taos-pusong pasasalamat sa aming mga sponsors na naging bahagi ng tagumpay ng ating Women’s Month Celebration! 💜🎁

Ang inyong mga handog na papremyo ay nagbigay saya, inspirasyon, at dagdag motibasyon sa bawat kalahok.
Dahil sa inyong suporta, mas naging makabuluhan at masaya ang bawat aktibidad.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtulong sa pag-angat at pagbibigay halaga sa kababaihan! 🌸

Hindi lamang lakas ang ipinakita, kundi pati ang pagkakaisa at bayanihan ng kababaihan sa ating Women's Collaborative Ga...
24/03/2026

Hindi lamang lakas ang ipinakita, kundi pati ang pagkakaisa at bayanihan ng kababaihan sa ating Women's Collaborative Games! 💜✨

Sa bawat hamon na hinarap, napatunayan na kapag nagsama-sama ang kababaihan, walang imposible.
Ang bawat tawa, sigaw, at tagumpay ay sumasalamin sa tunay na diwa ng pagtutulungan at empowerment.
Mabuhay ang kababaihang nagkakaisa para sa tagumpay! 💪🌸

Isang makabuluhang pagsisimula ng araw ang hatid ng ating morning program para sa Women’s Month Celebration. 🌸💜 Sa pagti...
24/03/2026

Isang makabuluhang pagsisimula ng araw ang hatid ng ating morning program para sa Women’s Month Celebration. 🌸💜

Sa pagtitipong ito, ipinagdiriwang natin ang lakas, kakayahan, at mahalagang papel ng kababaihan sa ating komunidad.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating suportahan, pahalagahan, at bigyang-boses ang bawat babae—ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.

Sinimulan ang umaga sa galaw, saya, at lakas ng kababaihan! 💃✨ Sa pamamagitan ng Zumba dance, ipinakita natin na ang baw...
24/03/2026

Sinimulan ang umaga sa galaw, saya, at lakas ng kababaihan!
💃✨

Sa pamamagitan ng Zumba dance, ipinakita natin na ang bawat babae ay puno ng enerhiya, determinasyon, at sigla.
Hindi lang ito simpleng ehersisyo—isa itong pagdiriwang ng kalusugan, pagkakaisa, at empowerment.
Sama-sama tayong gumalaw, sumabay sa ritmo, at ipakita ang tunay na lakas ng kababaihan! 💜

Today we march not just for celebration, but for recognition and empowerment. 💪✨ Sa bawat ngiti, bawat sigaw, at bawat h...
23/03/2026

Today we march not just for celebration, but for recognition and empowerment. 💪✨
Sa bawat ngiti, bawat sigaw, at bawat hakbang sa parada, dala natin ang kwento ng bawat babae—matatag, mapagmahal, at may kakayahang baguhin ang mundo.
Sama-sama, we rise, we lead, and we inspire. Para sa kababaihan, para sa kinabukasan. 💜

Happy Women's Month Roxaseño!

💜BABAE FESTIVAL: Lakas, kwento, at Tagumpay ng Kababaihan" WOMEN'S MONTH CELEBRATION 2026Sa pagdiriwang ng Women’s Month...
23/03/2026

💜BABAE FESTIVAL: Lakas, kwento, at Tagumpay ng Kababaihan"

WOMEN'S MONTH CELEBRATION 2026
Sa pagdiriwang ng Women’s Month, hindi lang natin ipinagdiriwang ang kakayahan ng kababaihan—pinapalakas din natin ang kaalaman sa mga batas na nagtatanggol sa ating karapatan.

Alamin, ipaglaban, at ipasa ang kaalaman:
📍Republic Act No. 11313 – Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law)
📍Republic Act No. 9262 – Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004
📍Republic Act No. 10354 – Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012
📍Republic Act No. 9710 – Magna Carta of Women

"Dahil ang babaeng may alam, mas matibay. Ang babaeng may boses, hindi matitinag"


💜💜💜

Address

Bagumbayan
Roxas
5212

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gender and Development Office - Roxas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share