DSWD Pantawid Pamilya Sablayan

DSWD Pantawid Pamilya Sablayan Official account of DSWD Pantawid Pamilya Sablayan
(1)

𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐍𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐮𝐭𝐮𝐥𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐍𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐰𝐚𝐧𝐢 𝐍𝐠 𝐃𝐒𝐖𝐃 𝟒𝐏𝐬 𝐚𝐭 𝐌𝐒𝐖𝐃𝐎 𝐒𝐚𝐛𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 ...
02/04/2024

𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐍𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐮𝐭𝐮𝐥𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐍𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐰𝐚𝐧𝐢 𝐍𝐠 𝐃𝐒𝐖𝐃 𝟒𝐏𝐬 𝐚𝐭 𝐌𝐒𝐖𝐃𝐎 𝐒𝐚𝐛𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐧𝐨 𝐧𝐢 𝐌𝐬. 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐞 𝐉𝐨𝐢 𝐒. 𝐀𝐧𝐠𝐰𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐍𝐠 𝐁𝐫𝐢𝐞𝐟 𝐨𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐕𝐀𝐖𝐂 𝐚𝐧𝐝 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧 𝐋𝐚𝐰𝐬. 𝐀𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐭𝐢𝐛𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐚𝐲 𝐝𝐢𝐧𝐚𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐍𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐧𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐍𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐏𝐚𝐠 -𝐚𝐬𝐚, 𝐋𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐞𝐧𝐚𝐯𝐢𝐬𝐭𝐚.




January 6, 2024TINGNAN: Mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa bayan ng Sablayan, nakibahagi sa ginanap ...
06/01/2024

January 6, 2024

TINGNAN: Mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa bayan ng Sablayan, nakibahagi sa ginanap na "Kalinisan Day".

Isa sa mga pangunahing layunin ng gawaing ito ay mahikayat ang bawat Pilipino na mas maging responsable sa pagsasaayos ng kanilang mga basura upang patuloy na matamasa ang isang ligtas at malusog na kapaligiran.

Sa mga miyembro ng programa, maraming salamat po! Ang inyong agarang pagtugon at pakikibahagi sa gawaing ito ay pagpapatunay lamang na isa kayong huwaran ng inyong komunidad.


DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino ProgramMunicipal Operations Staff - Sablayan15 Municipal Links2 Municipal Roving Bookke...
04/01/2024

DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program
Municipal Operations Staff - Sablayan

15 Municipal Links
2 Municipal Roving Bookkeepers
3 Social Welfare Assistants

25/10/2023

Magandang araw mga ka bene!

Panibagong pag-aaral para sa ating eYDS na may paksang "OKY APP". Ito ay gaganapin sa October 26, 2023, 9am-10am, via facebook live dito sa DSWD Pantawid Pamilya Sablayan Fb page at On-air sa 87.5 Care FM Sablayan.

Sama-sama tayong muling matuto, kaya ihanda na ang mga sarili mga ka bene! Kitakits 😉

BASAHIN: 101 sambahayan nagsipagtapos bilang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Sabla...
08/10/2023

BASAHIN: 101 sambahayan nagsipagtapos bilang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Sablayan

Muling isinagawa ang pagkilala o "Pugay Tagumpay" sa mga benepisyaryo ng 4Ps na nagsipagtapos na sa programa sa bayan ng Sablayan nito lamang ika-6 ng Oktubre, 2023.

Ang mga nagsipagtapos na benepisyaryo ay inendorso na sa Lokal na Pamahalaan ng Sablayan, kasabay nito ang mga Case Folders na naglalaman ng mga impormasyon na makatutulong upang matiyak ang after care na isasagawa ng LGU para sa bawat sambahayan. Ang seremonya ng pagtanggap ay pinangunahan ni Ms. Elaine Faith Gonzales, OIC-MSWDO. Kasabay ng pagtanggap ng Lokal na Pamahalaan ay ang pangakong patuloy na gagawing prayoridad ang bawat sambahayang nagsipagtapos upang tuloy-tuloy na makatanggap ng mga serbisyong kanilang kinakailangan sa muling pagpapatuloy na kanilang buhay.

Matapos ang pag-endorso, kinilala rin ng DSWD Municipal Operations Office Sablayan ang pagsusumikap ng bawat benepisyaryo na maiangat ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan nang maayos na paggamit ng ayuda na kanilang natatanggap mula ng sila ay maging miyembro hanggang sa kanilang pagtatapos sa programa. Bilang pasasalamat naman sa programa ay nagbigay patotoo ang tatlong benepisyaryo sa katauhan ni Gng. Marites Bolasco mula sa Brgy. Ligaya, Gng. Florida Manzano mula sa Brgy. San Francisco at G. Francisco Llave mula sa Brgy. Poblacion, kung saan ay ibinahagi nila ang buong-pusong pasasalamat sapagkat naging mahalagang bahagi ng kanilang buhay ang Programang Pantawid Pamilya, higit sa naging tulong nito upang matustusan at mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak at mapanatiling malusog at may sapat na nutrisyon ang bawat miyembro ng kanilang pamilya.

Mula sa MOO Sablayan, taos-puso naming ipinaaabot ang pasasalamat sa pakikibahagi ng bawat benepisyaro upang kilalanin ang kanilang pagsusumikap habang sila ay nasa ilalim ng programa. Gayundin ang pasasalamat sa mga sumusunod sa kanilang pagsuporta upang masigurong magiging matagumpay ang aktibidad na ito:

📣 Gov. Eduardo B. Gadiano sa pamamagitan ni Ms. Grace Fille - OIC-Executive Assistant
📣 Ms. Rosalina Lamoca (PSWDO) sa pamamagitan ni Ms. Michelle Joy Gallinera - SWO I
📣 Mayor Walter "B**g" Marquez
📣 Vice Mayor Edwin Mintu
📣 Sangguniang Bayan Members of Sablayan
📣 Department Heads especially to the very supportive OIC-MSWDO Ms. Elaine Faith Gonzales
📣 SAMVEMCO
📣 Occidental Mindoro Cooperative Bank

August 7-13, 2023SWDI ADMINISTRATION sa mga Non-Poor Households sa bayan ng Sablayan, sinimulan na. Kasalukuyan ang gina...
13/08/2023

August 7-13, 2023

SWDI ADMINISTRATION sa mga Non-Poor Households sa bayan ng Sablayan, sinimulan na.

Kasalukuyan ang ginagawang pag bisita ng MOO Sablayan Staff sa pangunguna ng mga Municipal Link sa mga sambahayang napabilang sa listahan ng Non-Poor mula sa resulta ng balidasyon ng Listahanan 3. Layunin ng gawaing ito na matukoy ang kasalukuyang kalagayan ng bawat sambahayan sa pamamagitan ng SWDI Tool.

05/07/2023

Magandang araw mga ka bene!

Panibagong pag-aaral para sa ating eYDS na may paksang "Teenage Pregnancy at Internet Addiction ". Ito ay gaganapin sa July 6, 2023, 9am-10am, via facebook live dito sa DSWD Pantawid Pamilya Sablayan Fb page at On-air sa 87.5 Care FM Sablayan.

Sama-sama tayong muling matuto, kaya ihanda na ang mga sarili mga ka bene! Kitakits 😉

TINGNAN: Balidasyon para sa mga potensyal na benepisyaryo ng 4Ps sa ilalim ng Set 12, sinimulan na sa bayan ng Sablayan....
04/03/2023

TINGNAN: Balidasyon para sa mga potensyal na benepisyaryo ng 4Ps sa ilalim ng Set 12, sinimulan na sa bayan ng Sablayan.

Nagsimula ang balidasyon noong February 21, 2023 at sa kasalukuyan ay mayroon ng 11 barangays ang napuntahan at sumailalim sa masusing pagsisiyasat upang malaman ang kasalukuyang sitwasyon ng kanilang pamumuhay at higit dito'y matiyak na ang mairerehistro lamang sa programa ay ang mga karapat-dapat na sambahayan.

Patuloy ang isinasagawang koordinasyon ng MOO Sablayan Staff sa mga natukoy na Moved-out households upang sila ay ma gabayan kung paano sila maaaring ma-validate.

Sa mga hindi nakapunta sa araw ng balidasyon ay mangyaring makipag-ugnayan sa mga naka talagang Municipal Link sa inyong lugar upang kayo ay agad na mabalikan at ma-validate. Para naman sa mga Barangay na hindi pa napupuntahan ay maghintay lamang ng abiso kung kailan ang takdang schedule sa inyong lugar. Siguruhin lamang na may kumpletong dokumento upang mas maging mabilis ang proseso ng balidasyon.

February 8-15, 2023Isinagawa ang kauna-unahang cash grant release sa 555 Set 11 households sa bayan ng Sablayan sa pamam...
26/02/2023

February 8-15, 2023

Isinagawa ang kauna-unahang cash grant release sa 555 Set 11 households sa bayan ng Sablayan sa pamamagitan ng Over-the-counter (OTC) na ginanap sa LBP-Sablayan Branch sa pangunguna ng mga assigned Municipal Roving Bookkeepers na sina MRB Mark Nelson Arriola at MRB Carizza De Simon. Ang nasabing gawain ay naging matagumpay sa patuloy na koordinasyon sa pagitan ng DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Landbank of the Philippines.

Ang cash grant na kanilang natanggap ay base sa kanilang naging pagsunod sa mga kondisyon ng program sa edukasyon at kalusugan sa nakalipas na isang taon. Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD 4Ps Sablayan upang mas mapabilis ang pagbaba ng kanilang mga physical card upang tuloy-tuloy na matanggap ang tulong pinansyal mula sa gobyerno.

Patuloy ang aming pagpa paalala sa mga benepisyaryo ng programa na gamitin sa tama at wasto ang mga ayudang natatanggap sa pamamagitan ng pagiging responsableng mga indibidwal.

February 6-10, 2023Isinagawa ng MOO Sablayan Staff ang Barangay Validation at Posting ng listahan ng mga potensyal na be...
15/02/2023

February 6-10, 2023

Isinagawa ng MOO Sablayan Staff ang Barangay Validation at Posting ng listahan ng mga potensyal na benepisyaryo ng programa sa ilalim ng Set 12 sa 22 Barangays na bumubuo sa bayan ng Sablayan. Layunin ng gawaing ito na mabigyan ng paunang impormasyon ang Barangay Council at upang makatulong sila sa pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa magiging proseso ng balidasyon. Sila din ay magiging kaagapay upang agarang mapasabihan ang mga nasa listahan ng Set 12 upang makapag-asikaso ng mga nararapat na dokumento na susuriin sa araw ng balidasyon.

PAALALA: Ang listahan ng Set 12 na naka paskil sa mga Barangay ay POTENSYAL na benepisyaryo pa lamang. Sila po ay dadaan pa sa balidasyon upang malaman kung sila ay talagang karapat-dapat na ma rehistro sa programa. Maghintay lamang po ng schedule ng validation na gagawin ng mga staff ng Pantawid Pamilya Sablayan.

Address

Sablayan

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Pantawid Pamilya Sablayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DSWD Pantawid Pamilya Sablayan:

Share