24/08/2026
Kasalukuyang Nagaganap || Buwan ng mga Katutubo at Wika 2026
Ipinagdiriwang natin ngayon ang culmination activity ng IPED at Buwan ng Wika!
Buong-giting na ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang mga malikhaing kasuotan na nagtatampok sa makulay na kultura ng ating mga katutubo. Itinanghal din sa paligsahan ang talas ng pag-iisip ng mga kandidato para sa Lakan at Lakambini sa pagsagot sa mga makabuluhang katanungan tungkol sa wikang Filipino.