03/07/2020
Ang aming munting pangarap ay maiahon sa hirap ang aking pamilya. Bilang isang miyembro ng Pantawid Pamilya Program, nagiging tulay ito upang unti-unting makamit ang pangarap na iyon. Lubos akong nagpapasalamat sa ating gobyerno dahil sa pagkakataong ibinigay sa amin. Ito po ang bumubuo ng aking mga pangarap bilang isang bata. Nais ko po sanang makapagtapos at mabigyan ng magandang buhay ang aming pamilya. Sila ang sandigan ng mga paghihirap at pagpupunyagi ko bilang isang mag-aaral.
Mga minamahal kong kabataan, huwag tayong mawalan ng pag-asa, ang gobyerno ang taga-agapay natin upang matupad ang ating mga pangarap. Ang DSWD at mga magulang natin ang kaagapay natin upang ating matahak nang walang agam-agam ang mga daan para ating matupad ang ating mga pangarap.
- Jedo Abe Papel, Grade 12, Sumoroy Agro- Industrial School, Palapag, Northern Samar