Research Division DA Bicol

Research Division DA Bicol Research Division, Bicol's partner in generating R4D Technologies.

Pili, Camarines Sur – Ipinagpatuloy ng Department of Agriculture RFO 5, sa pamamagitan ng Bicol Agriculture and Fisherie...
21/08/2026

Pili, Camarines Sur – Ipinagpatuloy ng Department of Agriculture RFO 5, sa pamamagitan ng Bicol Agriculture and Fisheries Resources, Research and Extension for Development Network (BAFRREDN) ang serye ng capacity building activities nito sa pamamagitan ng dalawang araw na workshop na pinamagatang “Strengthening Agricultural Competitiveness through Value Chain Analysis, Market Assessment, Agribusiness Model Development, and Market-Oriented Proposal Preparation” noong Agosto 19–20, 2026. Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga mananaliksik at iba pang technical personnel sa pagbuo ng mga pananaliksik at interbensyong tumutugon sa pangangailangan ng merkado at nagpapataas ng kompetitibidad ng sektor ng agrikultura sa Bicol Region.

Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni Department of Agriculture Regional Executive Director Rodel P. Tornilla ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang direksyon sa pananaliksik, value chain development, at market assessment upang higit na mapatatag ang sektor ng agrikultura at matiyak ang food security sa rehiyon. Aniya, “Ang lahat ng ating pagsisikap sa pananaliksik, value chain development, at market assessment ay dapat nakatuon sa iisang layunin na magkaroon ng mas matatag na agricultural sector at masiguro ang food security ng Bicol Region.”

Naging pangunahing resource person sa aktibidad si Dr. Nicasio Angelo J. Agustin, Professorial Lecturer mula sa University of the Philippines Diliman – School of Urban and Regional Planning at University of Santo Tomas – Graduate School. Sa kanyang mga sesyon, tinalakay niya ang mahahalagang konsepto, pamamaraan, at estratehiya sa Agricultural Value Chain Analysis and Competitiveness, Value Chain Mapping and Competitiveness Assessment, Market Intelligence, Product Development, and Market Innovation, Agribusiness Model Development and Enterprise Innovation, at Investment Programming, Commercialization, and Partnership Development, na naglalayong magbigay sa mga kalahok ng praktikal na kaalaman sa pagsusuri ng value chain, pagtukoy ng oportunidad sa merkado, at pagbuo ng mga estratehiyang makapagpapalakas sa competitiveness ng mga iba’t ibang agricultural commodities.

(BASAHIN SA COMMENT SECTION)

13/08/2026

De-kalidad na Binhi. Masaganang Ani. 🌱🌾

Alamin ang proseso at mga benepisyo ng BPI-NSIC Commodity Registration para sa mga magsasaka at seed growers.

🎥 Panoorin ang video at alamin ang sunod-sunod na hakbang sa pagpaparehistro.

🔗 Para sa kumpletong gabay at mga hakbang, bisitahin ang link: https://drive.google.com/drive/folders/1-FgsRgqqpNSnzJEESUPkDFgsdn7w_V_O?usp=sharing

Sama-sama nating palakasin ang sektor ng agrikultura tungo sa mas de-kalidad na binhi at mas masaganang ani!

PILI, CAMARINES SUR | Agosto 12, 2026 — Sinimulan ngayong araw ng Bicol Agriculture and Fisheries Resources, Research an...
12/08/2026

PILI, CAMARINES SUR | Agosto 12, 2026 — Sinimulan ngayong araw ng Bicol Agriculture and Fisheries Resources, Research and Extension for Development Network (BAFRREDN) ng Department of Agriculture Regional Field Office 5 (DA RFO 5), sa pamamagitan ng Research Division, ang serye ng mga workshop na naglalayong palakasin ang pananaliksik at pagpapaunlad (R4D) sa sektor ng agrikultura sa Bicol Region dito sa Sta. Catalina Hall, FOD Bldg., DA RFO 5, San Agustin, Pili, Camarines Sur.

Ang serye ng mga workshop ay idinisenyo batay sa R4D Unified Framework, na nagbibigay-diin sa sama-samang pagbuo ng mga solusyong nakabatay sa pananaliksik, pagtutulungan ng iba't ibang institusyon, at pagtugon sa mga pangunahing hamon at pangangailangan ng sektor. Bilang unang paksa ng serye, isinagawa ngayong araw hanggang bukas, Agosto 13, 2026, ang workshop sa Climate-Smart and Resilient Farming Systems, na pinangunahan ni Dr. Yusuf A. Sucol ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) bilang tagapagsalita.

(BASAHIN SA COMMENTS)

𝐃𝐀, 𝐃𝐎𝐋𝐄, 𝐚𝐭 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀, 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐫𝐚𝐛𝐚𝐡𝐨 𝐚𝐭 𝐬𝐮𝐬𝐭𝐞𝐧𝐚𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝟑𝟏𝟏 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫y𝐨 𝐧𝐠 𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦Pinalakas ng ...
10/08/2026

𝐃𝐀, 𝐃𝐎𝐋𝐄, 𝐚𝐭 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀, 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐫𝐚𝐛𝐚𝐡𝐨 𝐚𝐭 𝐬𝐮𝐬𝐭𝐞𝐧𝐚𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝟑𝟏𝟏 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫y𝐨 𝐧𝐠 𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦

Pinalakas ng Department of Agriculture Bicol (DA Bicol), Department of Labor and Employment (DOLE), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagtutulungan upang mabigyan ng trabaho, skills training, at livelihood opportunities ang 311 disadvantaged at displaced workers sa Bicol sa ilalim ng TUPAD Program. Sa isinagawang Orientation Seminar at Memorandum of Agreement (MOA) Signing para sa Scaling Up DA-DOLE-TESDA TUPAD Collaboration Livelihood Enterprise Project ngayong ika-10 ng Agosto, pormal na pinagtibay ng tatlong ahensya ang kani-kanilang tungkulin sa pagpapatupad ng programa.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng DA Bicol Research Division katuwang ang DOLE at TESDA, na naglalayong pagsamahin ang employment assistance, skills development, at agricultural support upang hindi lamang makapagbigay ng agarang kita sa mga benepisyaryo.

Ang oryentasyon ay nilahukan ng 110 benepisyaryo mula sa Camarines Sur. Samantala, sa ibang probinsya ay kasalukuyan nang nagsisimula ang implementasyon. Tatlumpu’t apat ang napili sa lalawigan ng Albay; 20 ang mula sa Camarines Norte; 17 sa Catanduanes; 40 sa Masbate, habang 90 sa Sorsogon.

BASAHIN ANG DETALYE SA COMMENT

𝘾𝙖𝙢𝙖𝙧𝙞𝙣𝙚𝙨 𝙉𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚 𝘾𝙝𝙞𝙘𝙠𝙚𝙣, 𝗯𝗶𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗶𝗼𝘁𝗲𝗰𝗵 𝗴𝗲𝗻𝗲𝘁𝗶𝗰 𝗿𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗰𝗼𝗻𝘀𝗲𝗿𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗖𝗖Nakipagtulungan ang DA Bicol Livestock Pro...
05/08/2026

𝘾𝙖𝙢𝙖𝙧𝙞𝙣𝙚𝙨 𝙉𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚 𝘾𝙝𝙞𝙘𝙠𝙚𝙣, 𝗯𝗶𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗶𝗼𝘁𝗲𝗰𝗵 𝗴𝗲𝗻𝗲𝘁𝗶𝗰 𝗿𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗰𝗼𝗻𝘀𝗲𝗿𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗖𝗖

Nakipagtulungan ang DA Bicol Livestock Program sa DA–Philippine Carabao Center (DA-PCC) at mga katuwang na Local Government Units (LGUs) sa Camarines Sur at Albay sa isinagawang pangangalap ng blood at feather samples mula sa mga piling Camarines native chicken.

Ang aktibidad ay bahagi ng research project na “Application of Biotechnology: Innovations for Genetic Resource Conservation and Sustainable Production (DABIOTECH-R2505),” na pinamumunuan ni Scientist I Lilian P. Villamor ng National Livestock Cryobank, Research and Development Division, DA-PCC, bilang Project Leader. Layunin ng proyekto na mapangalagaan ang mahahalagang genetic resources ng mga katutubong manok sa bansa sa pamamagitan ng genetic profiling, cryopreservation, at iba pang makabagong biotechnology techniques.

BASAHIN ANG DETALYE SA LINK

Pinalalakas ang ugnayang pananaliksik at edukasyon sa agrikultura sa Bicol sa pamamagitan ng NUAL-PH, NUASC-PH, DA RFO 5...
05/08/2026

Pinalalakas ang ugnayang pananaliksik at edukasyon sa agrikultura sa Bicol sa pamamagitan ng NUAL-PH, NUASC-PH, DA RFO 5 at BAFRREDN Symposium
PILI, Camarines Sur (Marso 17, 2026) - Mas pinaigting ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa larangan ng agrikultura, pananaliksik, at edukasyon sa ginanap na NUAL-PH, NUASC-PH at DA RFO 5 Joint Symposium sa Bicol.
Pinangunahan ng Department of Agriculture Regional Field Office V, katuwang ang Nagoya University Alumni Association–Philippine Branch (NUAL-PH) at ang Nagoya University Asian Satellite Campuses Institute (NUASC-PH), ang aktibidad na naglalayong magbukas ng mas maraming oportunidad para sa research collaboration at knowledge exchange.
BASAHIN ANG BUONG ULAT SA LINK NA ITO:
https://bicol.da.gov.ph/pinalalakas-ang-ugnayang.../

31/07/2026
𝟑𝟎 𝐊𝐚𝐰𝐚𝐧𝐢 𝐧𝐠 𝐃𝐀 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐍𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐫𝐬San Agustin, Pili, Camarines Sur – Matagumpay na nagtapos an...
27/07/2026

𝟑𝟎 𝐊𝐚𝐰𝐚𝐧𝐢 𝐧𝐠 𝐃𝐀 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐍𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐫𝐬

San Agustin, Pili, Camarines Sur – Matagumpay na nagtapos ang kalahok ng Training of Trainers para sa Agricultural Crops Production NC II at Organic Agriculture NC II, isang programang magkatuwang na isinagawa ng Department of Agriculture Regional Field Office 5 (DA RFO 5) at TESDA Regional Training Center V (RTC V) noong Hulyo 24, 2026.

Sa loob ng mahigit isang buwang pagsasanay, pinalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa mga competency ng Agricultural Crops Production NC II at Organic Agriculture NC II, kabilang ang nursery operations, crop production and maintenance, harvest and postharvest operations, paggawa ng organic inputs, at produksyon ng organic crops. Ang mga kasanayang ito ay magsisilbing matibay na pundasyon upang maging epektibong trainers at technology disseminators sa kani-kanilang mga Research Outreach Stations at mga lalawigan sa Bicol Region.

(BASAHIN ANG DETALYE SA COMMENT SECTION)

24/07/2026

Address

San Agustin
San Agustin
4424

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Research Division DA Bicol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share