07/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐, ๐๐๐ ๐ญ๐๐ก๐๐ค ๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐๐ง: ๐๐๐๐ ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง, ๐๐จ๐ฆ๐๐ฅ๐จ๐ง
"๐๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ ๐๐ฒ ๐ง๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐ ๐ง๐ ๐ค๐ข๐ง๐๐ค๐๐ก๐๐ซ๐๐ฉ ๐ง๐ข๐ญ๐จ."Ito ang naging sentro ng matagumpay na pagsasagawa ng Participatory Risk and Vulnerability Assessment (PRVA) sa labinlimang (15) barangay ng San Agustin, Romblon bilang bahagi ng pagpapatupad ng Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Project (PCRP). Sa pamamagitan ng prosesong ito, naging katuwang ang mga komunidad sa pagtukoy at pagsuri mga panganib na kanilang kinahaharapโisang mahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng mas matatag, mas handa, at mas ligtas na mga pamayanan.
Mula Hunyo 26 hanggang Agosto 3, 2026, matagumpay na isinagawa ang serye ng mga sub-activities ng PRVA, kabilang ang ๐๐๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ซ๐จ๐๐ข๐ฅ๐, ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฅ๐ค๐ญ๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก, ๐๐ข๐ฌ๐ค ๐๐๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ , ๐
๐จ๐๐ฎ๐ฌ ๐๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐๐ข๐ฌ๐๐ฎ๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง (๐
๐๐), ๐๐ญ ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐๐ข๐ฌ๐ค ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ง๐๐ซ๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐๐ง๐ญ (๐๐๐๐) ๐๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ. Ang bawat aktibidad ay dinaluhan at aktibong nilahukan ng mga opisyal ng barangay, mga miyembro ng Barangay Development Council (BDC), mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng komunidad, mga miyembro ng Municipal Resilience Team (MResT), mga Community Volunteers (CVs), at mga kinatawan ng Municipal at Area Coordinating Teams (MCT/ACT). Sa pamamagitan ng malawak na partisipasyon ng iba't ibang stakeholder, natiyak na ang bawat hakbang ng proseso ay naging inklusibo, nakabatay sa aktuwal na karanasan ng komunidad, at sumasalamin sa tunay na kalagayan at pangangailangan ng bawat barangay.
Nagsimula ang proseso sa ๐๐๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ซ๐จ๐๐ข๐ฅ๐,kung saan sama-samang sinuri at pinagtibay ng mga kalahok ang mga datos tungkol sa populasyon, kabuhayan, kalusugan, edukasyon, imprastraktura, pamamahala, at iba pang mahahalagang impormasyon ng barangay. Sa pamamagitan ng prosesong ito, natiyak na ang mga datos na magsisilbing batayan ng mga susunod na gawain ay tumpak, napapanahon, at sumasalamin sa aktuwal na kalagayan ng komunidad.
Kasunod nito ay ang ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฅ๐ค๐ญ๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก, kung saan aktuwal na nilibot ng mga kalahok ang iba't ibang bahagi ng barangay upang obserbahan ang mga lugar na madalas maapektuhan ng iba't ibang hazard at matukoy ang mga umiiral na panganib, kahinaan, at mga likas na yaman ng komunidad. Ang mga obserbasyong nakalap mula sa pag-iikot ay isinapinal sa pamamagitan ng Risk Mapping, kung saan sama-samang iginuhit at minarkahan sa community map ang eksaktong lokasyon ng mga hazard, mga lugar na lantad sa panganib, mahahalagang imprastraktura, kabahayan, at iba pang mahahalagang obserbasyon mula sa walkthrough. Sa pamamagitan ng risk map, nagkaroon ang bawat barangay ng isang malinaw at biswal na paglalarawan ng kanilang risk landscape na magsisilbing mahalagang gabay sa pagpaplano ng mga hakbang sa disaster risk reduction at pagpapaigting ng katatagan ng komunidad.
Mas pinalalim pa ang pagsusuri sa pamamagitan ng ๐
๐จ๐๐ฎ๐ฌ ๐๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐๐ข๐ฌ๐๐ฎ๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง (๐
๐๐), kung saan naibahagi ng mga magsasaka, mangingisda, at kababaihan ang kanilang mga karanasan, obserbasyon, at pananaw tungkol sa mga panganib na nararanasan sa kanilang komunidad. Ang kanilang mga salaysay ay nagbigay ng mahalagang konteksto sa mga datos na nakalap at nagsilbing batayan sa mas malalim na pag-unawa sa mga suliranin at pangangailangan ng bawat barangay.
Bilang huling bahagi ng proseso, isinagawa ang ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐๐ข๐ฌ๐ค ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ง๐๐ซ๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐๐ง๐ญ (๐๐๐๐) ๐๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ, kung saan sama-samang tinukoy at binigyang-prayoridad ng komunidad ang mga pangunahing panganib batay sa magnitude, urgency, nature of causes, at community coping capacity. Sinuri rin ang mga sanhi at epekto ng bawat panganib at natukoy ang mga umiiral na coping capacities o mga lakas, kakayahan, at mekanismo ng barangay sa paghahanda, pagtugon, at pagbangon mula sa mga sakuna at iba pang banta.
Higit pa sa pagbuo ng mga community profile at risk maps, ipinakita ng buong proseso ng PRVA ang kahalagahan ng ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐๐ง ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ (๐๐๐), kung saan ang mga mamamayan mismo ang pangunahing katuwang sa pagtukoy ng mga isyu, pagbabahagi ng kanilang kaalaman at karanasan, at paghubog ng mga solusyong angkop sa kanilang komunidad. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng bawat sektor, nabuo ang isang mas komprehensibo, inklusibo, at batay sa ebidensyang pag-unawa sa mga panganib na kinahaharap ng bawat barangay.
Sa matagumpay na pagkumpleto ng PRVA sa lahat ng labinglimang barangay ng San Agustin, nakapaglatag ang bawat komunidad ng matibay na pundasyon para sa pagbuo ng Community Resilience Plan (CRP) at iba pang mga proyektong magpapalakas ng kanilang katatagan at kakayahang makaiwas, makatugon, at makabangon mula sa mga sakuna. Higit sa lahat, pinatunayan ng proseso na ang sama-samang pagkilos, pakikilahok, at pagbabahagi ng kaalaman ng komunidad ang susi sa pagbuo ng mga pamayanang higit na handa at matatag sa harap ng anumang hamon ng kinabukasan.
Inihanda ni: Jeselle F. Faa - Project Development Officer II/Community Facilitator
Sinuri at iniwasto ni: Diseree M. Rotoni - Project Development Officer III/Area Coordinator