RHU San Antonio HEPU

  • Home
  • RHU San Antonio HEPU

RHU San Antonio HEPU San Antonio Rural Health Unit Health Education and Promotion UNIT

24/08/2026
08/10/2026“LIGTAS TIGDAS 2026”Kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat sa Pamahalaang Bayan ng San Antonio ay isinagaw...
10/08/2026

08/10/2026

“LIGTAS TIGDAS 2026”

Kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat sa Pamahalaang Bayan ng San Antonio ay isinagawa ang pagbabakuna ng Measles Rubella vaccine at pagbibigay ng Vitamin A hudyat ng pagsisimula ng MR-SIA program sa ating bayan.

Nakibahagi ang ating butihing Punong Bayan, Mayor Erick M. Wagan kasama ang mga bumubuo ng Sangguniang Bayan sa nasabing programa.

Para karagdagang impormasyon at nakatakdang schedule ng inyong barangay ay maari kayong makipag-ugnayan sa ating mga Barangay Health Workers o magtungo sa Ospital ng San Antonio.



sa

05/08/2026

“Ligtas Tigdas 2026”

Ang bayan ng San Antonio ay makikiisa sa gaganaping Measles Rubella Supplemental Immunization para sa mga batang may edad 6 na buwan hanggang 59 na buwan na gaganapin mula ika-10 hanggang ika-28 ng Agosto, 2026.

Ang Measles o Tigdas ay isang uri ng lubhang nakakahawang sakit na may karaniwang sintomas na pamumula o pamamantal sa balat, lagnat, ubo, sipon at pamumula ng mata na kung hindi maagapan ay maaring magkaroon ng malulubhang kumplikasyon gaya ng pulmunya, impeksyon sa tainga, pagtatae at dehydration, pamamaga ng utak, pre-term birth at low birth weight sa mga buntis, at pwede din humantong sa pagkamatay kung mapapabayaan.

Ang programang ito ay isa sa mga paraan upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na tigdas. Pangungunahan ng tanggapan ng Pambayang Pangkalusugan katuwang ang Department of Health at Quezon Provincial Health Office ang pagsasagawa nito na sinuportahan naman ng ating butihing punong bayan, Mayor Erick M. Wagan.

Para sa karagdagang impormasyon at nakatakdang schedule ng inyong lugar ukol sa programang ito ay maaari kayong makipagugnayan sa ating mga Barangay Health Workers o magtungo sa Ospital ng San Antonio.



Address

Brgy. Poblacion

4324

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU San Antonio HEPU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to RHU San Antonio HEPU:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share