06/06/2026
PRESENSYA NG PULIS, NAGBUNSOD NG PAGLILIGTAS SA BONTOC
Isang simpleng presensya ng kapulisan sa lansangan ang nauwi sa pagligtas ng buhay matapos matulungan ng mga pulis ang mga biktima ng aksidente sa Barangay Tocucan, Bontoc, Mountain Province.
Sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief, PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., muling naipakita ang halaga ng presensya ng Philippine National Police sa komunidad matapos rumesponde ang mga tauhan ng 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa insidente noong Hunyo 1, 2026.
Habang nasa routine mobile patrol, nakatanggap ng ulat ang mga pulis mula sa isang concerned citizen hinggil sa aksidente sa kalsada. Kaagad silang nagtungo sa lugar at dito nakita ang mga sugatang biktima.
Sina PCpl Rod L. Cas-oy at Pat Jofreck M. Angyoda ang tumugon sa sitwasyon. Sinuri nila ang kalagayan ng mga biktima at nagbigay ng paunang lunas habang hinihintay ang karagdagang tulong.
Sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire ProtectionβSadanga, maingat na naisakay ang mga biktima sa patrol vehicle at naihatid sa Bontoc General Hospital para sa medikal na atensyon.
Lumabas sa imbestigasyon na ang mga biktima ay bumibiyahe mula Tabuk City, Kalinga patungong Benguet nang makatulog umano ang drayber, dahilan upang mawalan ng kontrol ang sasakyan at tumaob.
Nasa maayos na kondisyon na ang mga biktima matapos mabigyan ng kaukulang gamutan.
Ang mabilis na pagtugon at malasakit nina PCpl Cas-oy at Pat Angyoda, kapwa mula sa Sadanga, Mountain Province ay nagbigay ng pagkakataon upang mailigtas ang mga biktima mula sa posibleng mas malubhang kapahamakan.
βPolice visibility means presence, and presence saves lives. Kapag ang pulis ay nakikita at handang tumugon, mas nabibigyan ng proteksyon ang mamamayan,β pahayag ni PNP Chief, PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr.

βWe are always ready to help and respond whenever needed. Ang tungkulin namin ay tumindig para sa kaligtasan ng bawat isa,β dagdag pa niya.
Ipinakita rin ng insidente ang diwa ng PNP Focused Agenda bilang gabay sa mas makatao at mas tumutugong serbisyo, partikular sa Enhanced Managing Police Operations at Active Community Support na makikita sa mabilis na pagtugon at pakikipag-ugnayan sa komunidad.
Sa huli, ang simpleng presensya ng kapulisan ay muling napatunayang mahalagang salik sa pagligtas ng buhay at pagbibigay ng agarang tulong sa oras ng pangangailangan.
Sa patuloy na pagpapatupad ng mga hakbang upang palakasin ang serbisyo publiko, patuloy na tiniyak ng PNP ang adhikain ng βBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.β
(PNP-PIO)