31/08/2026
ISANG MAKABULUHAN AT MAKULAY NA PAGDIRIWANG NG PAGLILINGKOD! ๐ต๐ญ๐ฅ
Mga Lingkod Bayan ng San Fernando, handa na ba kayo?
Sama-sama nating ipagdiwang ang 126th Philippine Civil Service Anniversary Celebration na may temang:
โBawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayanโ
Magsisimula ang ating pagdiriwang sa isang Thanksgiving Mass bilang pasasalamat sa biyaya at gabay sa patuloy na paglilingkod. Susundan ito ng isang Parada ng mga Kawani na magpapakita ng pagkakaisa at dedikasyon ng bawat lingkod bayan, at ng makasaysayang Pag-iilaw ng Sulo ng Serbisyo (Torch of Service) bilang simbolo ng apoy ng malasakit at tapat na paglilingkod.
Tampok din ang mga kapana-panabik na sports activities na magpapalakas ng samahan, pagkakaisa, at camaraderie ng ating mga kawani! ๐
๐
Setyembre 1, 2026 | 7:00 AM
๐ San Fernando Public Plaza, Poblacion, San Fernando, Romblon
Tara na at sama-sama nating ipagdiwang ang puso, dangal, at galing ng bawat Lingkod Bayani! ๐ต๐ญโจ
๐ฅ