20/08/2026
TEAM BITENG: SERBISYONG TULOY-TULOY PARA SA KALUSUGAN NG BAWAT KABARANGAY!
Matagumpay na naisagawa ang Distribution of Maintenance Medicine sa Phase 2 New Zealand Health Center para sa ating mga senior citizens at mga residenteng nangangailangan ng regular na gamot.
Ang programang ito ay bahagi ng 7-Point Agenda ni Punong Barangay Irene Biteng, na naglalayong maibsan ang gastusin ng ating mga kabarangay sa pamamagitan ng regular na pagbibigay ng libreng maintenance medicine.
Sa Team Biteng, hindi natatapos sa pangako ang serbisyo. Patuloy nating inilalapit ang mga programang tunay na kailangan ng bawat pamilya sa Minuyan Proper.
TEAM BITENG — Serbisyong may malasakit, tuloy-tuloy para sa bawat kabarangay!