08/07/2026
ANUNSYO: PAGPAPATUPAD NG ALTERNATIVE DELIVERY MODE (ADM)
Isang mapagpalang araw sa mga Tradeans at mga Magulang!
Dahil sa banta ng paparating na bagyo at upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, ang ating klase bukas (Huwebes, Hulyo 9, 2026) ay isasagawa sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM). Walang gaganaping face-to-face classes sa paaralan.
Mangyaring abangan ang mga worksheets at panuto na ipapadala ng inyong mga g**o sa inyong mga opisyal na Group Chats (GC).
Manatili po tayong ligtas at alerto sa ating mga tahanan. Maraming salamat sa inyong kooperasyon!
Ang kaligtasan ng bawat isa lalo na ng ating mga anak ang palaging una.
Dahil sa inaasahang epekto ng Super Typhoon , minabuti nating suspendihin muna ang FaceToFace classes at ipatupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan bukas Huwebes, July 9, 2026.
Batid ko po ang pag-aalala ng bawat magulang sa tuwing may banta ng masamang panahon kaya nais nating matiyak na ang ating mga mag-aaral, maging ang mga g**o at iba pang mga kawani ng paaralan ay mananatiling ligtas habang naipagpapatuloy ang pag-aaral sa loob ng kanilang mga tahanan.
Pakiusap din po sa lahat na manatili na muna tayo sa ating mga tahanan hangga't maaari, ihanda ang mga pangunahing pangangailangan ng ating pamilya, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng pamahalaan at mga autoridad.
Nandito po ang inyong City Government, nakaantabay at handang umalalay sa bawat San Joseรฑo. Magdasal tayo para sa kaligtasan ng lahat at laging magtulungan bilang isang komunidad.
Stay safe and God bless, San Joseรฑos.