BRGY Tungkong Mangga, City of San Jose Del Monte, Bulacan

BRGY Tungkong Mangga, City of San Jose Del Monte, Bulacan Official Page of BRGY TUNGKONG MANGGA.

20/08/2026
20/08/2026

PABATID mula sa CSJDM Local Economic Development and Investment Promotion Office

Inaabisuhan ang publiko na ang City Athletic and Recreational Center ay pansamantalang ISASARADO sa Biyernes, August 21, 2026 ng umaga upang bigyang-daan ang naunang reservation sa naturang pasilidad.

Samantala, mananatiling bukas sa publiko ang pasilidad sa ibang mga araw na hindi nabanggit.

Maraming salamat sa pang-unawa.


20/08/2026

JUST IN

Isinailalim na sa State of Calamity ang buong lalawigan ng Bulacan matapos ang malawakang pagbaha at matitinding pinsalang dulot ng pananalasa ng Bagyong Luis at Maymay na pinatindi pa ng Habagat.

Sa bisa ng Panlalawigang Kapasiyahan Blg. 708-T'2026 na pinagtibay nitong August 17, 2026, pormal nang idineklara ng Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Vice Governor Alex Castro, ang buong probinsya sa ilalim ng State of Calamity upang mas mabilis na maipaabot ang tulong sa mga nasalanta.


20/08/2026

𝐁𝐔𝐋𝐀𝐂𝐀𝐍, πˆπ’πˆππ€πˆπ‹π€π‹πˆπŒ 𝐒𝐀 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐄 πŽπ… π‚π€π‹π€πŒπˆπ“π˜

Dahil sa malawakang pinsala at epekto ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng mga nagdaang bagyo at Southwest Monsoon o Habagat, isinailalim ang Lalawigan ng Bulacan sa State of Calamity sa bisa ng Panlalawigang Kapasyahan Blg. 708-T’2026.

Sa pamamagitan ng kaukulang Panlalawigang Kapasyahan, layunin ng deklarasyon na mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga Bulakenyong naapektuhan ng kalamidad, kabilang ang agarang pagbibigay ng relief assistance, food and non-food items, medical assistance, rehabilitation at iba pang kinakailangang serbisyo.

Inaasahan ding magsisilbing daan ang deklarasyon upang mas mabilis na maisakatuparan ang mga hakbang para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga komunidad, gayundin ang pagpapatupad ng mga mekanismo upang maprotektahan ang publiko laban sa hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang pangangailangan.

Sa harap ng panibagong hamon, nananatiling nakatuon ang pamahalaan sa kaligtasan, kapakanan ng bawat Bulakenyo.




20/08/2026

πŸ“’ Pabatid: Narito po ang schedule ng meter reading ngayong araw, 20 August 2026.

19/08/2026

πŸ“£

ADM pa rin sa The Rising City, mga anak!

Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong , SUSPENDIDO pa rin ang face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan bukas, Huwebes, August 20, 2026.

Habang nananatiling banta ang masamang panahon, ang kaligtasan ng bawat kabataang San JoseΓ±o ang ating pangunahing prayoridad. Bilang pag-iingat, pansamantala munang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang tuloy-tuloy pa rin ang pagkatuto sa inyong mga tahanan.

Mga anak, hangga’t maari ay huwag lumabas kung hindi naman kailangan at manatili na lamang muna sa inyong bahay.

Abangan ang mga susunod na opisyal na anunsyo at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga official pages.

Walang hihigit sa kaligtasan ng bawat Pamilyang San Joseño. Mag-ingat po tayong lahat! 🧑







πŸ“’   | August 20, 2026 (THURSDAY)Batay sa anunsyo ni Mayor Ate Rida Robes, suspendido pa rin ang face-to-face classes sa ...
19/08/2026

πŸ“’ | August 20, 2026 (THURSDAY)

Batay sa anunsyo ni Mayor Ate Rida Robes, suspendido pa rin ang face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan bukas, Huwebes, August 20, 2026, dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong .

Samantala, pansamantalang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang magpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang mga tahanan.

Pinapaalalahanan din ang lahat ng residente ng Brgy. Tungkong Mangga na iwasan muna ang paglabas ng bahay kung hindi kinakailangan at manatiling ligtas lalo na sa masamang panahon.

Para sa iba pang mahahalagang impormasyon, antabayanan lamang ang mga susunod na opisyal na abiso ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte at ng ating Barangay Tungkong Mangga Official page.

Manatiling ligtas, Tungkong Mangga! πŸ’šπŸ™

PABATID:
19/08/2026

PABATID:

Mananatiling alternative work arrangements ang ipapatupad sa mga pampublikong tanggapan ng pamahalaan sa Bulacan at iba pang karatig lugar bukas, August 20.

Alinsunod yan sa Memorandum Circular No. 131 na inilabas ng MalacaΓ±ang ngayong Miyerkules, August 19 kung saan pinaghahanda ang lahat sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Ipatutupad din ang alternative learning modes at learning continuity measures sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan maliban na lang kung may ibang direktiba ang mga Punong Ehekutibo.

Samantala, magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensyang responsable sa paghahatid ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng publiko.

Para naman sa pribadong sektor, diskresyon na ng kanilang management ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements.

Mag-ingat at manatiling updated sa mga opisyal na abiso ng lokal na pamahalaan.


19/08/2026

Address

Tangerine Street Corner Canary St. , Pecsonville Subsivision
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BRGY Tungkong Mangga, City of San Jose Del Monte, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BRGY Tungkong Mangga, City of San Jose Del Monte, Bulacan:

Shortcuts

Share