02/06/2026
BASAHIN
Double win para sa mga San Joseño! Bigo ang Primewater na pigilan ang City Government ng San Jose del Monte sa mga gagawing hakbang upang maisaayos ang sitwasyon ng tubig sa Lungsod matapos paboran ng dalawang magkaibang korte ang interes ng publiko na ipinaglalaban ni Mayor Ate Rida Robes. Nauna nang ibinasura ng Regional Trial Court - Bulacan ang isinampang Temporary Restraining Order (TRO) petition ng PrimeWater laban sa pansamantalang pangangasiwa ng City Government ng San Jose del Monte sa operasyon ng tubig. Ngayon naman, nagdesisyon din ang RTC - Las Piñas pabor din sa LGU.
Ayon sa mga desisyon ng mga korte sa Bulacan at Las Piñas, higit na mahalaga ang pagtugon sa krisis sa suplay ng tubig na nararanasan ng libu-libong San Joseño kaysa sa Joint Venture Agreement ng Primewater at ng San Jose del Monte Water District.