Kagawad Junie “Kuya” Cama

Kagawad Junie “Kuya” Cama Former Sangguniang Kabataan Chairman 2010-2013 Brgy. Minuyan Proper

Maraming salamat sa nag-uumapaw na suporta at mainit na pagtanggap ng mga residente ng Phase 1 Homeowners Association, k...
06/08/2026

Maraming salamat sa nag-uumapaw na suporta at mainit na pagtanggap ng mga residente ng Phase 1 Homeowners Association, kasama ang kanilang mga HOA Officers at Federation President Pres. Mercedita Dykee, sa ginanap na Kumustahan sa Barangay 2026.

Lubos ang pasasalamat ni Kapitana Irene Biteng sa inyong pakikiisa at patuloy na pagtitiwala. Ang inyong suporta ay nagbibigay-lakas upang higit pang mapabuti ang mga programa at serbisyong nakatuon sa kapakanan ng bawat Minuyeño.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng Barangay Minuyan Proper!


Magkaroon ng TESDA Training Center sa Barangay Minuyan Proper!Panahon na upang mas mailapit ang mga oportunidad sa ating...
06/08/2026

Magkaroon ng TESDA Training Center sa Barangay Minuyan Proper!

Panahon na upang mas mailapit ang mga oportunidad sa ating mga kababayan. Ang pagkakaroon ng TESDA Training Center sa Barangay Minuyan Proper ay magbibigay ng libreng pagsasanay at mahahalagang kasanayan na makatutulong sa ating mga kabataan, manggagawa, at mga naghahanap ng trabaho.

Sa pamamagitan nito, mas marami ang magkakaroon ng pagkakataong:
• Makapag-aral ng iba't ibang skills na in-demand.
• Makahanap ng mas magandang hanapbuhay dito man sa bansa o sa ibang bansa.
• Makapagsimula ng sariling kabuhayan.
• Maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilyang Minuyeño.

Sama-sama nating suportahan ang mga programang naglalayong magbukas ng mas maraming oportunidad para sa ating komunidad.

"Ang kaalaman at kasanayan ang susi sa mas maunlad na kinabukasan."

Kagawad Renee Roxas
Ang Agila ng Minuyan Proper
Team Biteng 2026
Tuloy-tuloy ang Pag-unlad ng Minuyan Proper.

Pamilyang Minuyesnos, mag-ingat po tayong lahat! ☔️💦🌧️  Kuya Junie Cama
06/08/2026

Pamilyang Minuyesnos, mag-ingat po tayong lahat! ☔️💦🌧️


Kuya Junie Cama

  📣ADM pa rin sa The Rising City, mga anak!Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong  , SUSPEN...
05/08/2026

📣

ADM pa rin sa The Rising City, mga anak!

Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong , SUSPENDIDO ang klase sa LAHAT NG ANTAS sa pampubliko at pribadong paaralan bukas, Huwebes, August 6, 2026.

Habang hindi pa humuhupa ang sama ng panahon, pansamantala munang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang tuloy-tuloy pa rin ang inyong pagkatuto mula sa inyong mga tahanan.

Mga anak, mas mahalaga ang inyong kaligtasan, kaya manatili muna kayo sa loob ng bahay at iwasan ang paglabas hangga’t hindi kinakailangan.

Abangan ang mga opisyal na anunsyo at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga official pages.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡







**Kumustahan sa Barangay 2026, Sama-Samang Pag-unlad.**Masaya kaming nakasama at nakausap ang ating mga pamilyang Minuye...
05/08/2026

**Kumustahan sa Barangay 2026, Sama-Samang Pag-unlad.**

Masaya kaming nakasama at nakausap ang ating mga pamilyang Minuyeño sa isinagawang **Kumustahan sa Barangay**, sa pangunguna ni Kapitana Irene Biteng.

Naniniwala kami na ang pakikipag-usap at pakikinig sa ating mga kabarangay ay mahalagang hakbang upang malaman ang kanilang mga pangangailangan at ang mga suliraning dapat bigyang-priyoridad at matugunan ng Pamahalaang Barangay.

Bilang katuwang ni Kagawad Jason Cama, ramdam namin ang mainit na pagtanggap at pakikiisa ng mga residente ng **Phase 3A at Phase 3B Towerville**. Ang ganitong mga konsultasyon ay nagbibigay ng pagkakataon upang mapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at ng komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras. Ang inyong mga saloobin at mungkahi ay mahalagang bahagi sa patuloy na pagpapaunlad ng ating barangay.

Ako po si Kuya Junie Cama Kasama ng Team Biteng 2026 😍

Dahil sa inaasahang pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong  , SUSPENDIDO muna ang AFTERNOON CLASSES ng mga kindergarten ha...
05/08/2026

Dahil sa inaasahang pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong , SUSPENDIDO muna ang AFTERNOON CLASSES ng mga kindergarten hanggang Senior High School ng pampubliko at pribadong paaralan ngayong Miyerkules, August 5, 2026.
Bilang pag-iingat, pansamantalang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kabataang San Joseño habang nagpapatuloy ang kanilang pagkatuto mula sa kanilang mga tahanan.
Manatiling nakaantabay sa ating mga Official pages para sa mga pinakabagong ulat, anunsyo, at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte.
Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡





Dahil sa inaasahang pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong , SUSPENDIDO muna ang AFTERNOON CLASSES ng mga kindergarten hanggang Senior High School ng pampubliko at pribadong paaralan ngayong Miyerkules, August 5, 2026.

Bilang pag-iingat, pansamantalang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kabataang San Joseño habang nagpapatuloy ang kanilang pagkatuto mula sa kanilang mga tahanan.

Manatiling nakaantabay sa ating mga Official pages para sa mga pinakabagong ulat, anunsyo, at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡






"Taong 2023 nang una ninyo akong pagkatiwalaan. Mula noon, sama-sama nating binago ang imahe ng ating barangay at pinatu...
04/08/2026

"Taong 2023 nang una ninyo akong pagkatiwalaan. Mula noon, sama-sama nating binago ang imahe ng ating barangay at pinatunayan na sa tapat na paglilingkod, pagkakaisa, at malasakit, walang imposibleng marating."

Maraming salamat sa patuloy ninyong tiwala at suporta. Kasama ang buong Team Biteng, ipagpapatuloy natin ang mga programa at serbisyong tunay na kapaki-pakinabang para sa bawat Minuyeño.

Tuloy-tuloy ang pag-unlad ng Minuyan Proper!

— Kapitana Irene Biteng


Maraming salamat po sa nag-uumapaw na suporta at mainit na pagtanggap ng mga residente ng Phase 4B Escopa sa ginanap na ...
04/08/2026

Maraming salamat po sa nag-uumapaw na suporta at mainit na pagtanggap ng mga residente ng Phase 4B Escopa sa ginanap na Kumustahan sa Barangay 2026.

Lubos na nagpapasalamat si Kapitana Irene Bitengg sa inyong pakikiisa at patuloy na pagtitiwala. Ang inyong suporta ang nagsisilbing inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang mga programa at serbisyong hatid para sa bawat Minuyeño.

Sama-sama tayo sa patuloy na pag-unlad ng Barangay Minuyan Proper!


Psalm 28:7"The Lord is my strength and my shield; my heart trusts in Him, and He helps me. My heart leaps for joy, and w...
03/08/2026

Psalm 28:7

"The Lord is my strength and my shield; my heart trusts in Him, and He helps me. My heart leaps for joy, and with my song I praise Him."

May this verse remind us that no matter what challenges we face, God is our source of strength, protection, and hope. When we place our trust in Him, He gives us the courage to move forward and the peace to keep believing.

Have a blessed Monday and a joyful day!
– Kuya Junie Cama
Team Biteng 2026 Barangay Minuyan Proper City of San Jose del Monte Bulacan

Mga anak, SUSPENDIDO muna ang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan bukas, Lunes, August 3, 2026 u...
02/08/2026

Mga anak, SUSPENDIDO muna ang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan bukas, Lunes, August 3, 2026 upang matiyak ang kaligtasan ng bawat San Joseño mula sa inaasahang epekto ng Bagyong .

Samantala, ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of learning upang patuloy na makapag-aral ang ating mga mag-aaral nang ligtas sa loob ng kanilang mga tahanan.

Maging alerto at manatiling ligtas. Hangga’t maaari, huwag munang lumabas ng bahay, makinig, at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡






Address

Minuyan Proper
San Jose Del Monte
3023

Telephone

+639050438713

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawad Junie “Kuya” Cama posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kagawad Junie “Kuya” Cama:

Share