22/07/2026
Matagumpay na idinaos ang 55th Regular Session kung saan masusing tinalakay ang iba't ibang panukalang resolusyon at ordinansa na naglalayong mas mapabuti pa ang ating lungsod at ang kapakanan ng bawat mamamayan.
Kasabay nito, buong pagmamalaking ginawaran ng pagkilala at pagbati si Jake Jefferson Solis! 🎉
Siya ang nag-iisang Pilipinong delegado mula sa Lungsod ng San Jose del Monte na kumatawan sa ating bansa sa 6th Japan Youth Summit na ginanap sa Tokyo, Japan. Isang malaking karangalan para sa ating lungsod at buong Pilipinas ang iyong ipinakitang dedikasyon at kahusayan!
Muli, maraming salamat sa iyong pagpapamalas ng galing ng kabataang San Joseño sa internasyonal na entablado! 👏✨