26/05/2026
Mapagpalang araw mga Ka Lungsod!
Marami na naman po tayong mga Ka lungsod ang ating napasaya dahil sa handog nating assistive devices sa mga may kapansanan. Nakita natin ang hindi mapatid na kasiyahan sa kanilang mga mukha at ang iba ay talagang napapaluha sa kagalakan. Yan po ay karugtong pa rin ng ating programa na "Pag-asa Tungo sa Paghakbang sa Kinabukasan ng may Kapansanan". Sa pangunguna ng ating butihing Mayor, Mayor Josel James Violago katuwang ang opisina ng PDAO San Jose City.