09/05/2025
Ako po si Engr. Biboy Alday Ona.
Ang pamilya pong aking pinanggalingan ay subok na sa masigasig at tapat na pagtulong at paglilingkod sa ating bayan ng San Jose!
Ako po ay apo ng isang abogado at dating vice mayor Don Ikoy Ona! Apo ng dating mayor Dr. Tiyo Alday, pamangkin ng dating mayor Dr. Tony Alday! Pinsang buo po natin si Dok Gerald Alday!
Ako po ay anak ni Dr. Orvieto "Boy" Ona na naging anesthesiologist sa ating District Hospital na kadalasan po ay nagbibigay ng libreng turok at mga reseta ng gamot!
Ako po ay anak din ni Gracia Alday na nanguna sa pagbibigay halaga sa ating Inang kalikasan at nagsikap na maipakilala at maingatan ang kasaysayan ng bayan ng San Jose!
Ang akin pong paglilingkod ay mula pa sa pagiging chairman ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. 4! Gayon mang ako po ang pinakabatang SK chairman ng aming panahon, naging masikap po tayo sa ating paglilingkod sa ating mga kabataan ng San Jose! Sa pamamagitan po ng mga Liga sa Brgy na ating binuo sila po ay ating naiingatan at higit sa lahat nailalayo sa masamang bisyo!
Nagtapos po ako ng elementarya at high school sa De La Salle Lipa at nakapagtapos po tayo ng kursong Civil Engineering sa Unibersidad ng Santo Tomas. Habang nasa UST po tayo, naging presidente po tayo ng Civil Engineering Students sa buong Lungsod ng Maynila kabilang po jan ang mga kilalang universidad. (UST, Mapua, PUP, DLSU, Adamson, EARIST, PLM, TIP, TUP, FEU, NU, UE, MLQU, FEATI).
Pagkatapos po natin sa kolehiyo, ako po ay nagtrabaho bilang structural engineer sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.
Ang atin pong kasanayan sa pagiging Civil Engineer ang iaambag natin sa konseho ng ating bayan!
Mga kababayan, kitang-kita po natin na ang atin pong bayan ng San Jose ay sa paunlad na!
Pansin po natin ang namumuong traffic sa ating bayan dahil sa pagdami ng mga bumibisita dala ng paglakas ng turismo sa bayan ng San Jose!
Kaya po bilang inyong Civil Engineer, kasama po ng ating planning at engineering department ng ating munisipyo pagaaralan po natin at pagtutulungan ang paglalagay ng mga access roads at mga tulay na magdudugtong sa magkakahiwalay na brgy.
Sa pamamagitan po nito hindi lamang turismo ang mapapalakas natin mapapataas din po natin ang presyo ng lupa na madadaanan, papasok ang mga investors, dadami ang mga negosyo, at dadami rin ang mabibigyan ng trabaho sa ating bayan! Yan po ay magagawa natin!
Sa darating pong halalan, pagtulungan po natin. Iboto ang susunond na Mayor Vanessa Patron, Vice Ben Patron at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist.
Sa kanila pong mga connection ay mapopondohan ang mga proyektong ito. Isa po iyan sa ating tututukan. Ako po ay inyong pagkakatiwalaan! at asahan nyo po, tulad ng pamilyang aking pinanggalingan ang masikap at tapat na paglilingkod sa ating bayan ng San Jose!
Sa darating po na election, tatandaan! Engr. Biboy Alday Ona! Ang ONAng uunahin sa balota. Number 21, binatang binata ang numero. Ang masigasig na inhinyero ng konseho!
Tunay na dugong San Joseño para sa inyo!
Muli po, Numero bente uno! Engr. Biboy Alday Ona.
Maaasahan nyo Aldey Onayt! Maraming salamat po! NYT NYT! 🙏