28/08/2026
Monitoring and Inspection of Solid Waste Management in the Municipality of Samarica
Noong Agosto 27, 2026, nagsagawa ang PGO- Environment and Natural Resources Office (ENRO) ng Samarica, sa pangunguna ni PGDH Ireneo Cortuna, ng monitoring at inspection sa Solid Waste Management sa ibaβt ibang bahagi ng buong Munisipalidad ng SAMARICA.
Layunin ng aktibidad na matiyak ang maayos, organisado, at responsableng pamamahala ng basura sa bawat barangay. Patuloy na isinasagawa ng tanggapan ng ENRO ang regular na monitoring at inspection sa mga Material Recovery Facility (MRF) upang masubaybayan ang kanilang kalagayan, operasyon, at pagsunod sa wastong pamamahala ng solid waste.
Sa pamamagitan ng patuloy na monitoring at pakikipagtulungan ng mga barangay, layunin ng ENRO Samarica na mapanatili ang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa buong komunidad.