07/08/2026
PAGPAPALAGANAP NG KAALAMAN HINGGIL
SA EO 70 AT NTF-ELCAC
Bilang suporta sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), nagsagawa ang San Mateo Municipal Jail – Male Dormitory ng isang information drive upang mapalawak ang kaalaman ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) at kanilang mga bisita tungkol sa layunin ng Executive Order No. 70. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga impormasyon at pagbibigay ng tamang kaalaman, isinusulong ang kamalayan sa kahalagahan ng kapayapaan, pagkakaisa, mabuting pamamahala, at aktibong pakikilahok ng bawat mamamayan sa pagbuo ng isang ligtas at maunlad na komunidad.
Patuloy na naninindigan ang BJMP San Mateo Municipal Jail – Male Dormitory sa pagsuporta sa mga programang nagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng mga gawaing pang-edukasyon at information campaigns, layunin nating makapagbigay ng tamang impormasyon na magsisilbing gabay tungo sa positibong pagbabago, matagumpay na rehabilitasyon, at responsableng pagbabalik ng mga PDL sa lipunan. Sama-sama para sa isang mapayapa, nagkakaisa, at maunlad na Pilipinas.
BJMP Regional Office CALABARZON
Rizal Provincial OfficeCrs