05/07/2026
📢 Paalala sa mga Residente ng Barangay Gulod Malaya
Pansamantala pong maaantala ang operasyon ng ating Blue Garbage Truck dahil sa pagkasira ng makina nito. Sa kasalukuyan ay agad na itong isinailalim sa pagkukumpuni upang maibalik sa normal ang serbisyo sa lalong madaling panahon.
Gayunpaman, wala pong dapat ipag-alala dahil mayroon tayong alternatibong garbage truck na pansamantalang iikot sa mga nakatakdang ruta upang maipagpatuloy ang pangongolekta ng basura.
Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at kooperasyon habang isinasagawa ang pagkukumpuni ng ating sasakyan.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta.
❤️GulodMalaya