28/11/2025
November 26, 2025 | Sectoral Gender Analysis and Consultation
Formulation of the Municipal Gender and Development (GAD) Code and GAD Plan and Budget (GPB)
Matagumpay na isinagawa ng San Mateo Gender and Development (GAD) Office ang Sectoral Gender Analysis and Consultation na ginanap sa Alberto’s Hall mula 8:00 AM hanggang 4:00 PM, na pinangunahan ni GAD Officer-in-Charge, G. Rodelio D. Pantaleon.
Dinaluhan ang aktibidad ng 105 na kinatawan mula sa iba’t ibang sektor tulad ng Local Council of Women, persons with diverse SOGIESC, VAWC desk officers, youth at student organizations, persons with disabilities, senior citizens, OFWs, solo parents, farmers, religious groups, civic organizations, at academe.
Aktibo silang nakilahok sa pagbabahagi ng kani-kanilang karanasan, pangangailangan, at mga rekomendasyon para sa pagbuo ng mas inklusibo, makatarungan at gender-responsive na Municipal GAD Code at GAD Plan and Budget (GPB).
Kabilang din sa mga dumalo si Konsehal Mary Grace C. Diaz, Chairperson ng Committee on Women and Family, na nagbigay ng makabuluhang mensahe bilang pagpapakita ng kanyang buong suporta at pakikiisa sa layunin ng aktibidad. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng inklusibong partisipasyon sa pagbuo ng mga polisiya at programang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at pag-unlad para sa lahat.
Sama-sama nating isinusulong ang mas inklusibo, makatarungan, at gender-responsive na Bayan ng San Mateo.