Crystal Liquid Waterworks - Sto. Tomas Branch

Crystal Liquid Waterworks - Sto. Tomas Branch CLPI-Sto.Tomas Branch is a subsidiary of Balibago Waterworks. The Group has over 90 municipal franchises in 24 provinces across Luzon, Visayas, and Mindanao.

This page is for our Sto.Tomas branch in the Municipality of Sto.Tomas, Pampanga.

Mga Minamahal na Kostumer,Ipinapaabot po namin na ang aming opisina ay sarado sa May 27, 2026 bilang paggunita sa Eid’l ...
26/05/2026

Mga Minamahal na Kostumer,

Ipinapaabot po namin na ang aming opisina ay sarado sa May 27, 2026 bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice, isang idineklarang holiday.

Pinapayuhan po ang lahat na isagawa ang kanilang mga transaksyon bago o pagkatapos ng nasabing petsa.

Para sa anumang water emergency o service interruption, maaari po kayong makipag-ugnayan sa amin sa numerong: 0942-716-0550.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta!

Public Advisory!Magandang umaga po sa aming tagatangkilik!Amin pong pinapabatid na magkakaroon po ng  NO WATER supply sa...
19/05/2026

Public Advisory!

Magandang umaga po sa aming tagatangkilik!
Amin pong pinapabatid na magkakaroon po ng NO WATER supply sa may Barangay San Bartolome, Barangay San Vicente at Barangay Poblacion sa May 20, 2026 ng 10:00 AM-Onwards. Ang ating pong planta sa San Bartolome ay sasailalim sa preventive maintenance.

Paalala: Amin pong pinapayuhan ang lahat ng mag-imbak ng tubig bago ang nasabing aktibidad at pagkatapos ng maintenance ,maaring maging malabo o may kauntinh latak ang tubig. Pakipadaloy muna ito sa inyong mga gripo sa loob ng ilang minuto. Kung hindi pa rin luminaw pagkatapos ng 30 minuto,mangyaring tumawag sa aming customer service.

Kami po ay humihingi ng pang-unawa at pasensya na idudulot po nito.

Maraming Salamat po.

Para lagi kang updated, please like and follow our page Crystal Liquid Waterworks - Sto. Tomas Branch for the exclusive announcement and promos!
Maari din tumawag sa aming cellphone number
0942-716-0550 para sa mga katanungan.

Public Advisory!Magandang hapon po sa aming tagatangkilik!Bilang paghahanda sa May 20, 2026(Wednesday) from 8:00 AM TO 1...
14/05/2026

Public Advisory!

Magandang hapon po sa aming tagatangkilik!
Bilang paghahanda sa May 20, 2026(Wednesday) from 8:00 AM TO 12:00 PM at 4:30 to 5:00 PM, para sa Schedule Power Interruption ng PELCO III, Amin pong pinapayuhan ang lahat ng magimbak ng tubig, bagamat mayroon pong generator ang mga pumps ay maaari pa din po tayo makaranas ng low pressure to no water.

Maraming Salamat po

Para lagi kang updated, please like and follow our page Crystal Liquid Waterworks - Sto. Tomas Branch for the exclusive announcement and promos!
Maari din tumawag sa aming cellphone number
0942-716-0550 para sa mga katanungan.

06/05/2026

Public Advisory!
Magandang hapon po sa aming tagatangkilik!
Amin pong pinapabatid na magkakaroon po ng NO WATER supply ngayong araw May 06, 2026 (Miyerkules) ng 2:00 PM - until further notice sa may Brgy. Poblacion at Brgy. San Bartolome sa kadahilanan po ng Interconnection ng bagong linya sa may Brgy. Poblacion.

Pinapayuhan ang lahat ng mag-imbak ng tubig bago ang nasabing aktibidad.
Kami po ay humihingi ng pang-unawa at pasensya na idudulot po nito.

Maraming Salamat po.

Para lagi kang updated, please like and follow our page Crystal Liquid Waterworks - Sto. Tomas Branch for the exclusive announcement and promos!
Maari din tumawag sa aming cellphone number
0942-716-0550 para sa mga katanungan.

02/05/2026

Magandang hapon po sa aming mga tagapangkilik,

Nais po naming ipabatid na nagkaroon po ng biglaang paghina o kawalan ng water supply ngayong hapon May 02, 2026 ng 2:00PM- until further notice sa may San Vicente, Poblacion at San Bartolome sa kadahilanan po ng Emergency shut down ng ating bagong well sa may Tizon St.Poblacion.

Kasalukuyan na pong inaaksyunan ito ng aming team upang maibalik kaagad ang supply.

Kami po ay humihingi ng paumanhin at pang-unawa sa abalang maaaring idulot nito.

Para sa karagdagang impormasyon o katanungan, maaari po kayong tumawag sa numerong ito: 0942-716-0550.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.

Mga Minamahal na Kostumer,Ang Mayo 1 ay Araw ng mga Manggagawa o Labor Day. Ito ay pagkilala at pagpupugay sa sipag, tiy...
30/04/2026

Mga Minamahal na Kostumer,

Ang Mayo 1 ay Araw ng mga Manggagawa o Labor Day. Ito ay pagkilala at pagpupugay sa sipag, tiyaga, at mahalagang ambag ng bawat manggagawa sa pag-unlad ng ating lipunan.

Kami sa Balibago Waterworks ay taos-pusong nagpapasalamat sa dedikasyon ng aming mga empleyado. Sila ang dahilan ng patuloy na pagdaloy ng tubig sa bawat tahanang aming sineserbisyuhan.

Kaugnay nito, ipinapaalam po namin na sarado ang aming opisina sa Mayo 1, 2026 (Biyernes) bilang pagdiriwang ng nasabing okasyon. Pinapayuhan po ang lahat na isagawa ang kanilang mga transaksyon bago o pagkatapos ng nasabing petsa.

Para sa anumang water emergency o service interruption, maaari po kayong makipag-ugnayan sa amin sa numerong:
📞 0942-716-0550

Maligayang Araw ng mga Manggagawa! 💪🏭👷‍♂️👷‍♀️

Mga Minamahal na Kostumer,Ang Abril 22 ay Araw ng Daigdig. Bilang bahagi ng mga inisyatibo ng aming opisina, ilalaan nam...
20/04/2026

Mga Minamahal na Kostumer,

Ang Abril 22 ay Araw ng Daigdig. Bilang bahagi ng mga inisyatibo ng aming opisina, ilalaan namin ang araw na ito upang higit pang mapalawak ang kaalaman tungkol sa ating planeta. Kami sa Balibago Waterworks ay nakikiisa sa layuning ito at patuloy na ginagampanan ang aming bahagi sa pangangalaga ng kalikasan.

Kaugnay nito, ipinapaalam po namin na sarado ang aming opisina sa Abril 22, 2026. Pinapayuhan po ang lahat na isagawa ang kanilang mga transaksyon bago o pagkatapos ng nasabing petsa.

Para sa anumang water emergency o service interruption, maaari po kayong makipag-ugnayan sa amin sa numerong: 0942-716-0550.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta!🌍🌱

Mga Minamahal na Kostumer,Ipinapaabot po namin na ang aming opisina ay sarado sa April 9, 2026 bilang paggunita sa Araw ...
07/04/2026

Mga Minamahal na Kostumer,

Ipinapaabot po namin na ang aming opisina ay sarado sa April 9, 2026 bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan, isang regular na holiday.

Pinapayuhan po ang lahat na isagawa ang kanilang mga transaksyon bago o pagkatapos ng nasabing petsa.
Para sa anumang water emergency o service interruption, maaari po kayong makipag-ugnayan sa amin sa numerong: 0942-716-0550.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta!

01/04/2026

Public Advisory!

To Our Valued Customer,
We wish to inform the public that repairs to one of our pumps at the water treatment plant have been completed. Water supply to Barangays Pau and Pandaras will resume anytime today, April 1, 2026.

We extend our heartfelt gratitude to the volunteers and organizations who assisted with water rationing efforts, as well as to our customers for their patience and understanding.

01/04/2026

Public Advisory!

Magandang umaga po sa aming mga minamahal at valued na mga customer!

Ikinagagalak po naming ipabatid sa inyo ang isang magandang balita para sa ating komunidad. Ang ating bagong pumping station o balon na matatagpuan sa San Vicente ay opisyal nang mae-energize ngayong araw, Abril 1, 2026.

Dahil dito, inaasahan po natin ang mas malakas, mas tuloy-tuloy, at mas maayos na daloy ng suplay ng tubig sa inyong mga kabahayan. Ang proyektong ito ay isinagawa upang mapabuti ang aming serbisyo at matugunan ang pangangailangan ng bawat isa, lalo na sa mga lugar na madalas makaranas ng mahinang pressure ng tubig tulad ng San Vicente, Poblacion, at San Bartolome.

Paalala po na ang operasyon ng bagong well ay pansamantalang limitado lamang mula 6:00 AM hanggang 6:00 PM. Ito ay dahil sa paggamit muna ng mobile genset habang hinihintay ang koneksyon sa ating electric provider na PELCO III.

Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta. Asahan po ninyo na patuloy kaming magsisikap upang lalo pang mapabuti ang aming serbisyo para sa inyong kapakanan.

Maraming salamat po at magandang araw sa ating lahat!

Address

Mac Arthur Highway San Matias
San Matias

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Crystal Liquid Waterworks - Sto. Tomas Branch posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share