MAIBA NAMAN Movement

MAIBA NAMAN Movement Ang social media page na ito ay katuwang ng pamahalaang Maiba Naman sa pagpapatupad ng maayos at malinis na pamahalaan.

Ang lahat po ay malayang makapagpahayag ng kanilang saloobin, makapagbigay ng puna at suhestyon para sa kagalingan ng lahat.

MAY PASOK ANG MGA OPISYALTuloy-tuloy ang trabaho at pagpa plano ng mga opisyal ng pamahalaan kahit araw ng Biernes  na w...
15/05/2026

MAY PASOK ANG MGA OPISYAL

Tuloy-tuloy ang trabaho at pagpa plano ng mga opisyal ng pamahalaan kahit araw ng Biernes na walang pasok.

MAHALAGA ANG MULTI-LEVEL PARKINGSa pagdagsa ng mga tao noong nagdaang YAKAP LAWA FESTIVAL, malinaw na nakita ang kahalag...
15/05/2026

MAHALAGA ANG MULTI-LEVEL PARKING

Sa pagdagsa ng mga tao noong nagdaang YAKAP LAWA FESTIVAL, malinaw na nakita ang kahalagahan ng maayos at sapat na parking space sa lungsod. Ito ang isa sa mga mungkahi ng ating butihing Punong Lungsod bilang bahagi ng paghahanda sa patuloy na paglago ng eco-tourism at kaayusan ng ating siyudad.

Patunay ito na may malinaw na direksyon at pangmatagalang pananaw ang ating lokal na pamahalaan para sa kaunlaran ng San Pablo. Visionary ang ating alkalde. Handa ang ating pamahalaan para sa mas progresibo at mas maayos na kinabukasan.








fans

ANG PAGBIBITIW SA TUNGKULIN AY HINDI PASES PARA MAKAIWAS SA IMBESTIGASYONKahina-hinala ang agarang pagbibitiw ng ilang J...
13/05/2026

ANG PAGBIBITIW SA TUNGKULIN AY HINDI PASES PARA MAKAIWAS SA IMBESTIGASYON

Kahina-hinala ang agarang pagbibitiw ng ilang Job Order personnel na nagkataong kasabay ng kinakaharap na isyu ng umano’y “ghost employees” na inuugnay sa tanggapan ni Vice Mayor Justin Colago.

Dapat maunawaan ng mga sangkot na ang pagbibitiw sa tungkulin ay hindi nangangahulugan ng pag-iwas sa pananagutan. Kahit wala na sila sa posisyon, magpapatuloy ang imbestigasyon at papanagutin ang sinumang mapatutunayang may sala.

Kinausap na rin ni Mayor Najie Gapangada ang opisina ng Ombudsman upang maipaabot ang mga naganap na pagbibitiw at matiyak na maayos na masusundan ang proseso ng imbestigasyon.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng lokal na pamahalaan para sa isang KOTONG-FREE CITY (KFC) — isang pamahalaang may pananagutan, transparency, at tunay na paglilingkod sa mamamayan.








May 12, 2026 - Nagbigay ng kurtesiya ang bagong OIC PNP-San Pablo na si PLTCOL. Mederic M. Villarete kay  Mayor Najie B....
13/05/2026

May 12, 2026 - Nagbigay ng kurtesiya ang bagong OIC PNP-San Pablo na si PLTCOL. Mederic M. Villarete kay Mayor Najie B. Najie Gapangada.

Layunin ng pagbabagong ito ang katahimikan at seguridad ng Lungsod.
fans

.  ?Ang bawat programang ating inilulunsad ay hindi basta-bastang proyekto na lamang na napagkasunduan upang maipatupad....
09/05/2026

. ?

Ang bawat programang ating inilulunsad ay hindi basta-bastang proyekto na lamang na napagkasunduan upang maipatupad.

Mula sa konseptwalisasyon, pagpopondo, hanggang sa proseso ng pagbili at implementasyon, dumaraan ito sa mahigpit na pag-aaral at masusing ebalwasyon. Bawat ideya ay kailangang ipaglaban, timbangin, at ihambing sa iba pang mungkahi upang matiyak na ang pinakamainam na programa ang siyang mananaig.

May mga pagkakataong nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at matitinding diskusyon, ngunit sa huli, ang mga ito ay nagbubunga ng mas maayos, mas matibay, at mas kapaki-pakinabang na mga programa para sa lahat.

Ito ang tunay na PROPESYONALISMO sa pamamahala — kung saan ang pinakamalaking panalo ay ang mamamayan.







fans

Address

Medex, Calihan
San Pablo City
4000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MAIBA NAMAN Movement posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MAIBA NAMAN Movement:

Share