18/08/2026
Pagpapatibay ng Ugnayan para sa Mas Ligtas na Barangay Chrysanthemum
Isang makabuluhang courtesy call ang isinagawa ng Barangay Chrysanthemum kasama ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pangunguna ni Atty. Melvin Matibag, kasama ang ating Barangay Council at Sangguniang Kabataan (SK).
Ang ganitong pagkikita ay patunay ng patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ng ating mga lider at mga ahensya ng pamahalaan para sa mas maayos, ligtas, at progresibong komunidad.
Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta. Patuloy nating isusulong ang serbisyong may malasakit at tunay na naglilingkod para sa bawat pamilyang Chrysanthemum.
Sama-sama para sa mas magandang Barangay Chrysanthemum!