29/04/2026
04.29.26 | Isang produktibong Martes na naman po para sa ating minamahal na Lungsod ng San Pedro. Kahapon, April 28, tayo po ay nakiisa sa 39th Regular Session ng ating 20th Legislative Council, kung saan patuloy nating isinusulong ang mga programang tunay na makatutugon sa pangangailangan ng bawat San Pedrense.
Masaya ko pong ibinabahagi na matagumpay nating naratipika ang mahahalagang panukalang badyet para sa ilang barangay:
โ
Annual Budget 2026 ng Barangay Maharlika โ Php 13,097,433.00
โ
Annual Budget 2026 ng Barangay Fatima โ Php 13,872,270.00
โ
Supplemental Budget No. 1 ng Barangay Bagong Silang โ Php 2,417,650.00
Ang bawat pondong ito ay nakalaan para sa mga serbisyong direktang mararamdaman ng ating mga kababayan, mula sa mga proyektong pang-imprastraktura, serbisyong panlipunan, hanggang sa mga programang magpapagaan ng buhay sa ating mga komunidad.
Kasabay nito, patuloy din nating binibigyang-pansin ang mga ordinansang makatutulong lalo na sa ating mga kabataan, gaya ng First Time Jobseekers Assistance Act, upang mabigyan sila ng mas magandang panimula sa kanilang kinabukasan.
Patuloy po tayong maglilingkod nang may malasakit, integridad, at buong puso para sa mas maunlad na San Pedro. ๐