01/05/2025
Magkaiba ang PAGSASABI NG TOTOO sa PANINIRA.
Sa panahon ng kampanya, natural na mas mapanuri ang mga tao. Ngunit paalala lang po: hindi paninira ang pagbabahagi ng katotohanan β lalo na kung may batayan.
Ang Team NEAT ay naninindigan sa malinis at tamang pamamahala, hindi kami gumagawa ng kwento para manira, dahil hindi namin kailangang sirain ang iba para umangat. Ang totoo, wala naman kaming sinisiraan. Kung ikaw ay tinatamaan, baka hindi dahil sa paninira, kundi dahil sa katotohanang ayaw mong marinig.
Kaya tigilan na po ang drama at pagpapa-awa. Ang lungsod ng San Pedro ay karapat-dapat sa mga lider na totoo, malinaw ang hangarin, at may paninindigan.
Hindi lahat ng paglalantad ay pag-atake. Minsan, ito ay pagkilos para sa mas maayos na kinabukasan.
Malaya. Makatao. Marangal.