04/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ | Pahayag ng Anakbayan San Pedro City hinggil sa malawakang budget cuts sa mga pamantasan sa Timog Katagalugan.
Sa panukalang pambansang badyet para sa 2027, muling pinatutunayan ng rehimeng US-Marcos Jr. ang pagpapabaya nito sa karapatan ng kabataan sa edukasyon. Habang patuloy na kinakaltasan ang pondo ng mga pampublikong pamantasan at kolehiyo, bilyun-bilyong piso naman ang inilulustay sa mga proyektong imprastraktura na pabor sa malalaking negosyo, gayundin sa confidential at intelligence funds na ginagamit laban sa mamamayan.
Partikular sa Laguna State Polytechnic University (LSPU) na mula sa 1,171,621,000 pisong badyet sa 2026 GAA ay magiging 991,485,000 piso na lamang ito sa ilalim ng 2027 NEP; sa buong sistema naman ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ay magkakaroon ng tinatayang 7.7% na tapyas sa pondo ng PUP system kung kaya't โฑ3.501 bilyon lamang ang mailalaan na pondo sa buong sistema ng pamantasan kahit nasa 15B na piso ang orihinal na hiling ng unibersidad, kitang-kita sa mga kampus ng PUP sa Laguna ang manipestasyon ng ganitong tapyas sa badyet ng edukasyon sapagkat kagyat sa mga kampus ay mayroong mga klasrum na walang maayos na bentilasyon at bentilador, mga klasrum na hindi na talaga magamit, kakulangan sa mga bagong upuan, at kakulangan mismo sa mga pasilidad ng paaralan.
Ang malakihang budget cuts na ito ay malaking sampal para sa mga kabataang estudyante na nakikipagsapalaran para lamang matuto sa kani-kanilang paaralan na pinapabayaan ng ating sariling gobyerno.
Sa gitna ng tumitinding krisis sa edukasyon, kawalan ng sapat na pasilidad, at pagtaas ng gastusin ng mga estudyante, malinaw na hindi prayoridad ng rehimeng Marcos Jr. ang kabataan. Sa halip, pinagsisilbihan nito ang interes ng mga dayuhan, malalaking negosyante, at ang sariling paghahari ng naghaharing-uri.
Ibasura ang budget cuts sa sektor ng edukasyon!
Ipaglaban ang sapat at libreng edukasyon para sa lahat!