07/08/2026
!
MY TWO CENTS ON VARIOUS BILLS SEEKING TO POSTPONE THE 2026 BARANGAY AND SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS
As of the time of writing, two (2) Senate bills and no fewer than eleven (11) House bills have already been filed and referred to their respective committees, all seeking to postpone the upcoming Barangay and Sangguniang Kabataan Elections scheduled for November 2, 2026.
At sa personal nating pananaw, mariin nating tinututulan ang mga naturang panukalang batas na ito. Hindi tayo sang-ayon na muli na namang ipagpaliban ang paparating na halalang pambarangay.
Ang eleksyon, bilang pinakamabisang mekanismo ng direktang partisipasyon ng mamamayan sa paggogobyerno, ay hindi dapat ipagpaliban maliban na may "very compelling reason" para pahintulutan ito. Hindi dapat ipagkait sa tao ang kanilang pinakamataas na kapangyarihan upang itakda ang direksyong nais nilang tunguhin ng pamamahala sa barangay.
Bilang gabay, nagsalita ang Korte sa Macalintal v. COMELEC (G.R. No. 263590) kung kailan lang katanggap-tanggap ang pagpapaliban sa halalang pambarangay. Ayon sa Korte, ang mga katanggap-tanggap na dahilan para sa postponement ay ang mga sumusunod:
1. Upang matiyak ang malaya, malinis, maayos, at ligtas na halalan;
2. Upang mapangalagaan ang karapatan ng mamamayan na bumoto (right of suffrage);
3. Upang maprotektahan ang iba pang mga pangunahing karapatan (fundamental rights) ng mga botante; at
4. Mahalagang public emergency o iba pang lubhang mabigat at nakahahikayat na dahilan, ngunit kung ito lamang ay mahigpit na kinakailangan ng sitwasyon (strictly required by the exigencies of the situation).
Bukod dito, sinabi rin ng Korte na ang pagpapaliban ng halalang pambarangay ay dapat na nakabatay sa tunay (genuine), obhektibo, at makatwirang pamantayan.
Samantala, nilinaw ng Korte na ang mga sumusunod ay hindi sapat na dahilan upang ipagpaliban ang barangay elections:
1. Election fatigue;
2. Purported divisiveness o sinasabing pagkakahati-hati dahil sa halalan;
3. Shortness of the existing term; at
4. Iba pang "superficial or farcical reasons.
Higit pa rito, inulit ng Korte na sa ilalim ng Omnibus Election Code at ng Local Government Code, ang COMELEC ay maaari lamang mag-postpone ng halalan kapag may seryosong dahilan gaya ng karahasan (violence), terorismo (terrorism), pagkawala o pagkasira ng election paraphernalia o records, force majeure, at iba pang kahalintulad na pangyayaring nagpapaging imposible ang pagdaraos ng isang malaya, maayos, at tapat na halalan.
Kung susuriing mabuti ang "Explanatory Notes" ng mga panukalang inihain upang ipagpaliban ang halalang pambarangay, wala ni isa sa kanila ang nakapag-satisfy sa mga pamantayang inilahad ng Korte o ng Omnibus Election Code upang pahintulutan ito.
Higit sa lahat, ang pagpapaliban sa halalang pambarangay ay katumbas ng pagnanakaw sa tanging kapangyarihan ng mamamayan na makapamili ng mga lider na nais nilang maglingkod sa kanila. Dagdag-pasakit ding maituturing sa mga barangay na matagal nang umaaray sa mga opisyal nilang inirereklamo dahil sa kakulangan ng mga ito ng kakayahan, kaalaman, at malasakit.
Bilang mga mamamayang apektado ng magiging pagpapaliban ng halalan kung mapagtibay ito, marapat lamang na buong-lakas nating iparinig ang ating nagkakaisang tinig: !