28/08/2026
CAMPOS CARES MEDICAL MISSION | 2ND PHASE
RELEASING OF LAB. RESULTS & DOCTOR'S CONSULTATION
Matagumpay nating naisagawa ang 2nd Phase ng CAMPOS CARES Medical Mission noong 08|26|2026 para sa ating mga minamahal na kababayan mula sa Adelina 1 at Elnor Subdivision, Brgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna ang Releasing of Laboratory Results and Doctor’s Consultation.
Taos-puso ang aking pasasalamat sa aking mahal na kapatid at katuwang sa paglilingkod, ang ating Bokal Raffy Campos, sa patuloy na pagsuporta sa ating CAMPOS CARES PROGRAM.
Maraming salamat din sa ating masipag na clinic partner, Team Qualicheck Diagnostic Clinic, sa pangunguna ni Ma’am Renalyn Bautista, at sa ating mga mababait at dedikadong doktor, Dra. Julie Silvestre at Dra. Leila Bondoc, sa inyong oras, malasakit at serbisyong ipinagkaloob sa ating mga kababayan. At higit sa lahat, maraming-maraming salamat sa ating mga beneficiaries sa inyong tiwala at pakikiisa. Ang inyong kalusugan at kapakanan ang patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa amin upang maglingkod nang buong puso.
Serbisyong may malasakit, para sa bawat San Pedrense!
CAMPOS CARES :Tulong, Serbisyo at Malasakit para sa ating mga kababayan!