25/08/2025
"Kalusugan sa Likod ng Rehas
(GOOD DEEDS)
Sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL ERWIN B. LEGAYADA, Hepe ng San Pedro Component City Police Station, isinagawa ang programang โKalusugan sa Likod ng Rehas โnoong Agosto 25, 2025. Pinangunahan ito ni PSSg Jan Louie Kalugdan, katuwang ang PCR at SHU personnel.
Layunin ng programa ang regular na pagsusubaybay sa kalusugan ng mga Persons Under Police Custody (PUPC) sa pamamagitan ng pagsubaybay ng presyon ng dugo at pamamahagi ng mga bitamina at pangunahing gamot bilang bahagi ng preventive care, at upang maibsan ang gastusing medikal ng mga nakakulong.
Tinitiyak ng San Pedro CCPS na ang serbisyong pangkalusugan ay abot-kamay ng lahat, kahit nasa likod ng rehas.