28/05/2026
MAY 28, 2026 | TUPAD ORIENTATION
Ngayong araw, matagumpay na sumalang sa oryentasyon ang 150 na benepisyaryo ng programang TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Bilang isang community-based package of assistance ng DOLE, ang TUPAD ay nagbibigay ng emergency employment para sa mga kababayan nating nangangailangan ng agarang pangkabuhayan.
Sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan (LGU) ng Sto. Tomas, ang ating mga benepisyaryo ay magsisilbing katuwang sa Brigada Eskwela upang ihanda, linisin, at isaayos ang mga pampublikong paaralan para sa ating mga mag-aaral.