26/08/2026
ππππππ ππππ πππππππππ ππππ ππππ
ππππππ
August 26, 2026
Municipal Operations Office, San Vicente, Camarines Norte
Noong ika-26 ng Agosto 2026, isinagawa ang Monthly Municipal Case Conference na naglalayong masusing talakayin at suriin ang mga natukoy na special cases ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ay ang mga monitored children tagged as Not Attending School (NAS) at mga potential NAS cases na nangangailangan ng masusing assessment at bigyan ng agarang intervention. Sa pamamagitan ng case conference, nabigyan ng pagkakataon ang mga concerned staff na suriin ang kalagayan ng bawat cases, tukuyin ang mga posibleng dahilan ng hindi pagpasok sa paaralan, at pag-usapan ang mga nararapat na hakbang upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon, case management, referral, at patuloy na monitoring upang matiyak na ang bawat NAS target ay nabibigyan ng angkop na intervention. Layunin nitong mapalakas ang suporta sa mga pamilya at matulungan ang mga batang makabalik at makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral.
Sa pamamagitan ng Municipal Case Conference, patuloy na isinusulong ang mas maagap, sistematiko, at case-focused na pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng mga benepisyaryo. Nagsisilbi rin itong mahalagang mekanismo upang mapagtibay ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga staff at stakeholders tungo sa kapakanan ng mga bawat monitored children sa ilalim ng programa.