04/09/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐ก๐ฎ๐ด๐๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฃ๐๐๐ฆ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐, ๐๐๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐น๐ฎ!
Isang bagong hakbang sa pagpapahusay ng serbisyo sa civil registration ang naisakatuparan sa Gamu, Isabela matapos ang matagumpay na Administrative Petition for Correction Automated System (APCAS) Go Live Implementation sa Local Civil Registry Office (LCRO) ng Gamu.
Isinagawa ng LCRO Gamu ang aktuwal na paggamit ng APCAS sa pagproseso ng administrative petitions.
Ang implementasyon ay nagbigay-daan sa mas organisado at sistematikong pagproseso ng mga administrative petition, habang sinusuportahan ang mga kawani ng civil registry sa kanilang pag-angkop sa automated system.
Bahagi ito ng patuloy na programa ng PSA-Isabela na palawakin ang paggamit ng APCAS sa mga LCRO sa lalawigan, katuwang ang mga Local Government Units (LGUs), tungo sa patuloy na pagpapabuti ng civil registration services.