27/03/2026
๐ข๐ข๐ขANNOUNCEMENT
PAGPAPALIBAN SA
LIGA NG KABATAAN 2026
Dahil sa kasalukuyang krisis na naka aapekto sa ating bansa at sa iba pang panig ng mundo, at alinsunod sa umiiral na Executive Order No. 110, ang LIGA NG KABATAAN 2026 ng Barangay Tebag West na nakatakdang buksan ngayong April 2026 ay ipagpapaliban hanggang sa magkaroon ng opisyal na
abiso kaugnay ng sitwasyon.
Kaugnay nito, ang nakatakdang pagbubukas ng nasabing liga at iba pang aktibidad na may kinalaman sa liga ay pansamantalang ititigil. Ipagpapatuloy ang nasabing palaro sa
sandaling matapos ang kasalukuyang krisis at pinahihintulutan na ang pagpapatuloy ng mga ganitong gawain.
Ang desisyong ito ay maingat na pinag-isipan at isinagawa bilang pakikiisa sa mga hakbang na ipinatutupad kaugnay ng krisis.Ito ay hindi desisyon ng Sangguniang Kabataan ng Tebag West kundi utos galing sa nakatataas
Ang SK Council ng Barangay Tebag West ay taos-pusong humihiling ng inyong pag-unawa, pakikiisa, at panalangin upang malampasan natin ang krisis na ito.
Maraming salamat po.