Laguna Provincial Nutrition Action Office - PNAO

Laguna Provincial Nutrition Action Office - PNAO Official page of Laguna Provincial Nutrition Action Office.

Happy Birthday Miss Ferlyn Mendoza Olivete!Greetings and love from your PNAO Family. ❤️
12/04/2026

Happy Birthday Miss Ferlyn Mendoza Olivete!

Greetings and love from your PNAO Family. ❤️

Ngayon ay ginugunita natin ang World Obesity Day kasama ang iba’t ibang bansa sa buong mundo.Ang araw na ito ay paalala ...
04/03/2026

Ngayon ay ginugunita natin ang World Obesity Day kasama ang iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Ang araw na ito ay paalala na ang obesity ay isang seryoso at komplikadong kondisyon sa kalusugan na maaaring makaapekto sa mga bata, kabataan, at matatanda. Ito ay maaaring magdulot ng sakit sa puso, diabetes, altapresyon, at iba pang malalang karamdaman.

Ang kalusugan ay responsibilidad ng bawat isa — ng pamilya, paaralan, komunidad, at pamahalaan.
Sama-sama tayong kumilos para sa mas malusog na kinabukasan.

Laguna PNAO greets our beloved RNPC, Miss Malou, a very Happy Birthday! Enjoy your day, Miss Malou! You deserve all the ...
13/02/2026

Laguna PNAO greets our beloved RNPC, Miss Malou, a very Happy Birthday!

Enjoy your day, Miss Malou! You deserve all the love and appreciation today and always. 💐✨

12/02/2026
BARANGAY NUTRITION SCHOLAR (BNS) ENHANCEMENT TRAINING SA BAYAN NG PILASa pangunguna ng  bayan ng Pila ay isinagawa ang B...
30/01/2026

BARANGAY NUTRITION SCHOLAR (BNS) ENHANCEMENT TRAINING SA BAYAN NG PILA

Sa pangunguna ng bayan ng Pila ay isinagawa ang BNS Enhancement Training nitong ika-29 hanggang ika-30 ng buwan ng Enero.

Ang pagsasanay ay dinaluhan ng mga Kapitan, Kagawad sa Kalusagan, Secretary, Treasurer at mga Barangay Nutritin Scholar ng bawat barangay ng Pila, Laguna.

Dumalo ang mga kinatawan mula sa Provincial Nutrition Action Office na sina G. Prince Ian Jervis Malleta (PNAO) at tatlong District Nutrition Program Coordinator na sina Gg. Judy Melicio, Gg. Arlene Esteves at Gg. Marisol Trovela.

Layunin ng pagsasanay na lalong paigtingin ang kaalaman ng mga BNS at maitalakay sa mga kinatawan ng barangay ang kahalagahan ng kanilang suporta upang maging matagumpay ang mga programang pangnutrisyon.

Ang ika-apat na linggo ng Enero ay GOITER AWARENESS WEEK.Ang goiter ay isang kondisyong maaaring maiwasan at magamot. Sa...
26/01/2026

Ang ika-apat na linggo ng Enero ay GOITER AWARENESS WEEK.

Ang goiter ay isang kondisyong maaaring maiwasan at magamot. Sa pamamagitan ng maagang pagsusuri at sapat na iodine sa pagkain, maaaring maiwasan ang mga komplikasyon at mapabuti ang kalidad ng buhay.

Ngayong Goiter Awareness Week, sama-sama nating ipalaganap ang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng kalusugan ng thyroid, wastong nutrisyon, at regular na pagpapasuri.

Happy Birthday Miss Emely S Matienzo 🎉Wishing you a fantastic year ahead filled with joy, success, and all the things th...
22/01/2026

Happy Birthday Miss Emely S Matienzo 🎉

Wishing you a fantastic year ahead filled with joy, success, and all the things that make you happiest. Again, Happy and Blessed birthday, Miss Emely!

Greetings from your PNAO family ❤️

Bilang paghahanda sa mga gawain para sa taong 2026, isinagawa ang Nutrition Action Officers' First Quarter Meeting ng la...
22/01/2026

Bilang paghahanda sa mga gawain para sa taong 2026, isinagawa ang Nutrition Action Officers' First Quarter Meeting ng lalawigan ng Laguna ngayong ika-22 ng Enero 2026 sa Multi Purpose Room ng Provincial Health Office Building, Santa Cruz, Laguna.

Ito ay pinangunahan ng kasalukuyang Officer-in-charge ng Provincial Nutrition Action Office na si G. Prince Ian Jervis Malleta at dinaluhan ng mga Nutrition Action Officers at kanilang kinatawan mula sa iba't ibang bayan at munisipyo ng lalawigan.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang mga magiging kaganapan sa Operation Timbang Plus, ang pagsasaayos ng Barangay Nutrition Scholar Information System, at Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI).

Address

Santa Cruz

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laguna Provincial Nutrition Action Office - PNAO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share