23/03/2026
๐ข๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐!
Ipinababatid sa lahat ng mamamayan ng Santa Fe na, alinsunod sa Executive Order No. 2026-40 na inilabas ng Tanggapan ng Punong-Bayan, at bilang pagtupad sa direktiba ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas sa ilalim ng Memorandum Circular No. 114, s. 2026 hinggil sa mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya, ipatutupad ng Pamahalaang Bayan ng Santa Fe ang Flexible Work Arrangement.
Simula March 23, 2026, ang bagong iskedyul ng trabaho sa LGU Santa Fe ay ang mga sumusunod:
โข ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฑ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐๐ฒ๐ฒ๐ธ โ Ipatutupad ang apat (4) na araw na workweek, mula ๐๐๐ป๐ฒ๐ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฒ๐ฏ๐ฒ๐ o ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ฒ๐ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฒ๐, kung saan ang mga empleyado ay magtatrabaho ng sampung (10) oras kada araw mula ๐ณ:๐ฌ๐ฌ ๐๐ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฒ:๐ฌ๐ฌ ๐ฃ๐ upang makumpleto ang apatnapung (40) oras kada linggo.
โข ๐ฆ๐ธ๐ฒ๐น๐ฒ๐๐ผ๐ป ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ณ๐ผ๐ฟ๐ฐ๐ฒ โ Magkakaroon ng skeleton workforce tuwing biyernes upang tumugon sa mga agarang transaksyon. Ang mga itatalaga ay iikot lingguhan upang matiyak ang patas na distribusyon, na may prayoridad sa mga frontline services tulad ng permits, treasury, social welfare, waterworks, at iba pang mahahalagang serbisyo.
โข ๐ช๐ฒ๐ฒ๐ธ๐ ๐๐ถ๐๐ต ๐๐ผ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ โ ๐ฆ๐๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ณ๐น๐ฒ๐
๐ถ๐ฏ๐น๐ฒ ๐๐ผ๐ฟ๐ธ ๐ฎ๐ฟ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ sa mga linggong may ๐ฟ๐ฒ๐ด๐๐น๐ฎ๐ฟ ๐ต๐ผ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ o idineklarang ๐ป๐ผ๐ป-๐๐ผ๐ฟ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ (Lunes hanggang Biyernes). Sa mga panahong ito, pansamantalang ibabalik ang regular na iskedyul na 8:00 AM โ 5:00 PM.
Ang hakbang na ito ay naglalayong tiyakin ang maayos na operasyon, wastong pagtalima sa mga holiday, at tuloy-tuloy na maayos na paghahatid ng serbisyo publiko sa lahat ng tanggapan ng LGU.
Samantala, hindi kabilang sa Flexible Work Arrangement ang mga ๐ผ๐ฝ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐๐น๐ผ๐-๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ฐ/๐ณ ๐ป๐ฎ ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป tulad ng MHO, MDRRMO, MSWDO, MEO, PNP at BFP (alinsunod sa Section 2 ng EO 2026-40).
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa.
CTTO: Bayan ng Santa Fe