PNP Santa Praxedes Municipal Police Station

PNP Santa Praxedes Municipal Police Station Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PNP Santa Praxedes Municipal Police Station, Public & Government Service, Maharlika Highway, Centro II, Cagayan, Santa Praxedes.

05/06/2026

SUSPEK SA ILIGAL NA PAGPUTOL NG NARRA, TIMBOG SA OPERASYON NG PNP STA. PRAXEDESSanta Praxedes, Cagayan – Mabilis na kumi...
03/06/2026

SUSPEK SA ILIGAL NA PAGPUTOL NG NARRA, TIMBOG SA OPERASYON NG PNP STA. PRAXEDES

Santa Praxedes, Cagayan – Mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Sta. Praxedes Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PCPT ANDY F DELOS SANTOS, ACOP, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaki na nahuling nagsasagawa ng iligal na pagputol at pagproseso ng kahoy na Narra sa Brgy. Centro 02, Santa Praxedes, Cagayan noong Hunyo 2, 2026.

Batay sa impormasyong ibinigay ng isang concerned citizen, nagsagawa ng validation at monitoring ang mga operatiba kung saan naaktuhan ang suspek na si aka Daniel, 68-anyos at residente ng naturang barangay habang gumagamit ng chainsaw upang hatiin ang isang piraso ng kahoy na Narra. Nabigo rin siyang magpakita ng anumang permit o dokumentong nagpapatunay ng legal na pagmamay-ari o pagproseso nito.

Nakumpiska mula rito ang isang STIHL MS 180 C chainsaw na walang serial number at isang piraso ng kahoy na Narra na may tinatayang 15 board feet na nagkakahalaga ng Php2,336.00. Agad siyang inaresto at dinala kasama ang mga ebidensya sa Sta. Praxedes Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso. Nakipag-ugnayan na rin ang pulisya sa DENR para sa beripikasyon ng mga nakumpiskang ebidensya.

Ayon kay PCPT DELOS SANTOS, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng epektibong pagtutulungan ng pulisya at komunidad sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapatupad ng batas. Aniya, patuloy na paiigtingin ng Sta. Praxedes Police Station ang kampanya laban sa illegal logging upang maprotektahan ang likas na yaman ng bayan.

31/05/2026

Tingin sa kaliwa at kanan, kaligtasan ay sigurado.


31/05/2026

Gabay sa paghahanda at pag-iingat sa bagyo.


31/05/2026

PRO2 News Brief 05-30-30
May 30, 2026

Imbakan ng Armas at Pampasabog, Narekober ng PRO2 sa Lasam, Cagayan

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City — Matagumpay na narekober ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang iba’t ibang armas, bala, kagamitang pangkomunikasyon, at mga bahagi ng improvised explosive device (IED) sa isinagawang major operation sa Barangay Viga, Lasam, Cagayan noong Mayo 30, 2026.

Batay sa ulat, pinangunahan ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, 3rd Platoon, katuwang ang 112th Special Action Company, PNP SAF; 203rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2; Cagayan Provincial Explosive and Canine Unit; Regional Intelligence Unit 2; Provincial Intelligence Unit; at Lasam Police Station ang operasyon sa mga barangay ng Tagao, Viga, Peru, Nabannagan East, at Nabannagan West, pawang nasa bayan ng Lasam, Cagayan.

Pagdating ng mga operatiba sa target area, napatunayang tama ang impormasyong ibinahagi ng dating rebelde na kinilalang si alyas “Ric,” dahilan upang matagumpay na marekober ang nakatagong arms cache.

Kabilang sa mga narekober ang improvised blasting caps, detonating cord, fuse time, 40mm high explosive cartridges, hand grenades, improvised anti-personnel mine component, iba’t ibang bala para sa 5.56mm, 7.62mm, at .38 caliber fi****ms, stranded wire, cellular phones, handheld radio, 5.56 magazines, improvised shotgun, dalawang caliber .38 revolver, 12-volt wet cell battery, at isang bandolier.

Dinala ang mga narekober na kagamitan sa Lasam Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang ang mga IED component ay maingat na pinroseso at itinurn-over sa Cagayan PECU para sa tamang paghawak at disposisyon.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa itinatagong arms cache at subversive materials sa isang estratehikong lugar na posibleng ginagamit bilang mobility corridor, taguan, observation post, o staging area ng mga armadong grupo at iba pang lawless elements sa kabundukan ng Barangay Viga.

Ayon kay PBGen Mariano C. Rodriguez, Acting Regional Director ng PRO2, mahalagang hakbang ang naturang tagumpay upang maagapan ang anumang banta sa seguridad at kaligtasan ng mamamayan sa Cagayan Valley.

“Ang pagkakarekober ng mga armas, bala, at pampasabog na ito ay patunay ng mabilis, tapat, at nararamdamang serbisyo ng inyong kapulisan. Sa ilalim ng adhikain ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas, patuloy naming paiigtingin ang intelligence-driven operations upang mapigilan ang anumang karahasan at matiyak ang kapayapaan sa ating mga komunidad,” ani PBGen Rodriguez.

Dagdag pa niya, mahalaga ang patuloy na pakikiisa ng publiko sa pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon sa mga awtoridad upang mas mapabilis ang pagtugon ng kapulisan sa anumang banta sa seguridad.

Tiniyak ng PRO2 na magpapatuloy ang mas pinaigting na operasyon laban sa terorismo, insurhensiya, at iba pang uri ng kriminalidad upang maiparamdam sa mamamayan ang tunay na serbisyong pulis na mabilis, tapat, at nararamdaman.
# # #

PRO2 News Brief No. 05-30-2026
Authority: PBGEN MARIANO C RODRIGUEZ
Acting Regional Director
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
page: Police Regional Office 2


Address

Maharlika Highway, Centro II, Cagayan
Santa Praxedes
3521

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Santa Praxedes Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share