Team Alexandra Lumague - Aksyon Kabataan ng Bagong Tagapo

Team Alexandra Lumague - Aksyon Kabataan ng Bagong Tagapo Aksyon ng Kabataan, Lakas ng Bagong Tagapo❤️

Maligayang Kaarawan sa aming minamahal na Mayor, Hon. Arlene B. Arcillas! 🎉❤️Sa araw ng inyong kaarawan, ipinapaabot ng ...
30/07/2026

Maligayang Kaarawan sa aming minamahal na Mayor, Hon. Arlene B. Arcillas! 🎉❤️

Sa araw ng inyong kaarawan, ipinapaabot ng Team Alexandra Lumague ang aming taos-pusong pagbati at taos-pusong pasasalamat sa inyong tapat na pamumuno at walang sawang paglilingkod sa mamamayan, lalo na sa kabataan.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at mas marami pang taon upang maipagpatuloy ang inyong magandang adhikain para sa ating lungsod.

Hangad namin ang inyong patuloy na tagumpay at kaligayahan.

Maligayang Kaarawan po, Mayor Arlene B. Arcillas! 🎂🎈

Mula sa Team Alexandra Lumague. ❤️🤍

LUGAW ON WHEELS 🍲❤️Handog ng Team Alexandra Lumague para sa ating mga kabarangay!📍 Mula Purok 1 hanggang Purok 5🕕 6:00 A...
24/07/2026

LUGAW ON WHEELS 🍲❤️

Handog ng Team Alexandra Lumague para sa ating mga kabarangay!

📍 Mula Purok 1 hanggang Purok 5
🕕 6:00 AM hanggang sa maubos ang aming handog.

Isang simpleng almusal na may kasamang malasakit at taos-pusong paglilingkod sa bawat pamilya. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta. Kitakits po tayo!

𝐋𝐔𝐆𝐀𝐖 𝐎𝐍 𝐖𝐇𝐄𝐄𝐋𝐒 🍲❤️

Handog ng Team Alexandra Lumague para sa ating mga kabarangay!

📍 Mula Purok 1 hanggang Purok 5
🕕 6:00 AM hanggang sa maubos ang aming handog.

Isang simpleng almusal na may kasamang malasakit at taos-pusong paglilingkod sa bawat pamilya. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta. Kitakits po tayo!

Sa paggunita ng iyong kamatayan, patuloy naming inaalala ang iyong dedikasyon at pagmamahal sa paglilingkod sa ating bar...
24/07/2026

Sa paggunita ng iyong kamatayan, patuloy naming inaalala ang iyong dedikasyon at pagmamahal sa paglilingkod sa ating barangay. Ang iyong mga iniwang aral at mabuting halimbawa ay magsisilbing inspirasyon sa bawat kabataang patuloy na naglilingkod.

Mula sa Aksyon Kabataan, taos-pusong pagpupugay at panalangin para kay Kap. Aldrin Lumague. Hindi ka namin malilimutan. Patuloy mong gabayan ang aming paglilingkod. 🕊️

𝐒𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐧𝐚𝐰 𝐧𝐢 𝐓𝐢𝐭𝐨 𝐊𝐚𝐩. 𝐀𝐥𝐝𝐫𝐢𝐧 𝐋𝐮𝐦𝐚𝐠𝐮𝐞🤍

Sa araw na ito, buong paggalang at pagmamahal naming ginugunita ang anibersaryo ng pagpanaw ng aming mahal na Kap. Aldrin Lumague. Hindi kailanman mabubura sa aming mga puso ang iyong kabutihan, pagmamalasakit, at tapat na paglilingkod sa ating barangay. Ang iyong buhay ay naging inspirasyon hindi lamang sa aming pamilya kundi maging sa maraming taong iyong natulungan.

Bilang SK Chairman, mas lalo kong nauunawaan ngayon ang bigat ng pananagutan sa paglilingkod sa ating komunidad. Habang tinatahak ko ang landas ng pamumuno, madalas kitang naaalala. Ang iyong dedikasyon, katapatan, at pagmamahal sa paglilingkod ang nagsisilbing inspirasyon ko upang gawin ang aking tungkulin nang may integridad, malasakit, at puso para sa bawat kabataan at bawat mamamayan.

Maraming salamat sa mga aral at halimbawang iniwan mo. Bagama't wala ka na sa aming piling, ang iyong magandang pangalan at mga mabubuting gawa ay patuloy na nabubuhay sa aming alaala. Ang iyong pamana ay magsisilbing gabay sa akin at sa marami pang susunod na henerasyon ng mga lingkod-bayan.

Sa bawat tagumpay at hamon na aking hinaharap, dala ko ang mga pagpapahalagang iyong ipinakita. Dalangin ko na maging karapat-dapat akong ipagpatuloy ang uri ng serbisyong ipinamalas mo sa ating komunidad.

Patuloy ka naming ipinagdarasal. Nawa'y patuloy kang yakapin ng ating Panginoon at pagkalooban ng walang hanggang kapayapaan. Hanggang sa muli, Tito Kap. Aldrin Lumague.

Hindi ka namin malilimutan. Ang iyong alaala ay mananatiling buhay sa aming puso, at ang iyong halimbawa ay patuloy naming bibigyang buhay sa pamamagitan ng tapat at pusong paglilingkod sa ating barangay.

Mahal ka namin. Patuloy kang mamahinga sa kapayapaan. 🕊️

Higit sa lahat, taos-pusong pasasalamat kay 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐫𝐧𝐨𝐥𝐝 𝐀𝐫𝐜𝐢𝐥𝐥𝐚𝐬 sa mainit na pagtanggap sa 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐀𝐥𝐞𝐱𝐚𝐧𝐝𝐫𝐚 𝐋𝐮𝐦𝐚𝐠𝐮𝐞...
24/07/2026

Higit sa lahat, taos-pusong pasasalamat kay 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐫𝐧𝐨𝐥𝐝 𝐀𝐫𝐜𝐢𝐥𝐥𝐚𝐬 sa mainit na pagtanggap sa 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐀𝐥𝐞𝐱𝐚𝐧𝐝𝐫𝐚 𝐋𝐮𝐦𝐚𝐠𝐮𝐞 sa aming courtesy call.

Isang karangalan ang magkaroon ng pagkakataong makapagbahagi ng mga adhikain at makapagpalitan ng mga pananaw para sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad. Ang kanyang mga payo, suporta, at dedikasyon sa paglilingkod ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pang paigtingin ang ating sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Maraming salamat po, Vice Mayor Arnold Arcillas. Sama-sama nating ipagpapatuloy ang tapat, mahusay, at makataong serbisyo para sa lahat.

Maraming salamat kay 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐉𝐚𝐧𝐢𝐧𝐞 𝐀𝐚𝐥𝐚 sa mainit na pagtanggap sa 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐀𝐥𝐞𝐱𝐚𝐧𝐝𝐫𝐚 𝐋𝐮𝐦𝐚𝐠𝐮𝐞 sa aming courtesy call.Isan...
23/07/2026

Maraming salamat kay 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐉𝐚𝐧𝐢𝐧𝐞 𝐀𝐚𝐥𝐚 sa mainit na pagtanggap sa 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐀𝐥𝐞𝐱𝐚𝐧𝐝𝐫𝐚 𝐋𝐮𝐦𝐚𝐠𝐮𝐞 sa aming courtesy call.

Isang makabuluhang pagkakataon ang aming naging pag-uusap upang higit pang mapagtibay ang ugnayan, pagkakaisa, at pagtutulungan para sa kapakanan ng ating komunidad. Nawa’y magpatuloy ang sama-samang pagkilos at dedikasyon sa pagbibigay ng tapat at mahusay na serbisyo publiko.

Nagpa-courtesy call ang 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐀𝐥𝐞𝐱𝐚𝐧𝐝𝐫𝐚 𝐋𝐮𝐦𝐚𝐠𝐮𝐞 kay 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐧𝐮𝐞𝐯𝐚 bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan at...
23/07/2026

Nagpa-courtesy call ang 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐀𝐥𝐞𝐱𝐚𝐧𝐝𝐫𝐚 𝐋𝐮𝐦𝐚𝐠𝐮𝐞 kay 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐧𝐮𝐞𝐯𝐚 bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating komunidad.

Maraming salamat po, Councilor Niño Villanueva, sa mainit na pagtanggap, makabuluhang pag-uusap, at patuloy na suporta. Nawa’y magpatuloy ang ating pagkakaisa at sama-samang pagkilos tungo sa mas maayos at mas masaganang serbisyo para sa ating mga kababayan.

Nagpa-courtesy call ang  𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐀𝐥𝐞𝐱𝐚𝐧𝐝𝐫𝐚 𝐋𝐮𝐦𝐚𝐠𝐮𝐞 kay  𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐓𝐢𝐭𝐚 𝐌𝐞𝐥𝐚 𝐆𝐨𝐧𝐳𝐚𝐥𝐞𝐬 bilang pagpapakita ng paggalang at pag...
23/07/2026

Nagpa-courtesy call ang 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐀𝐥𝐞𝐱𝐚𝐧𝐝𝐫𝐚 𝐋𝐮𝐦𝐚𝐠𝐮𝐞 kay 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐓𝐢𝐭𝐚 𝐌𝐞𝐥𝐚 𝐆𝐨𝐧𝐳𝐚𝐥𝐞𝐬 bilang pagpapakita ng paggalang at pagpapalakas ng ugnayan para sa mas maayos na paglilingkod sa ating komunidad.

Maraming salamat po, Councilor Tita Mela Gonzales, sa mainit na pagtanggap, mahalagang payo, at patuloy na suporta. Sama-sama nating ipagpapatuloy ang pagtutulungan para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Pagbati para sa ating mga Kapatid sa Iglesia ni Cristo sa kanilang pagunita ng ika-112 na Anibersaryo.Taos puso po kamin...
22/07/2026

Pagbati para sa ating mga Kapatid sa Iglesia ni Cristo sa kanilang pagunita ng ika-112 na Anibersaryo.

Taos puso po kaming bumabati sa inyo pong pagkakatatag, nawa’y ang inyong pagbabahagi ng mabuting salita at gabay sa mga kapatid ay mas maging matibay pa, at lubos po kaming humahanga sa inyong pagkakaisa at dedikasyon na tumutulong sa lahat ng mga kapatid.

Happy Birthday Direk Lorrenz!!🎂Mula po sa buong Team Alexandra Lumague, malugod po naming binabati kayo ng isang maligay...
22/07/2026

Happy Birthday Direk Lorrenz!!🎂

Mula po sa buong Team Alexandra Lumague, malugod po naming binabati kayo ng isang maligayang kaarawan!

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paggabay, suporta, at mga payo. Malaki po ang naging bahagi ninyo sa aming paglalakbay at inspirasyon upang maglingkod nang may katapatan, malasakit, at dedikasyon.

Dalangin po namin na pagpalain pa kayo ng Panginoon ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at higit pang tagumpay at kaligayahan. Nawa'y matupad ang lahat ng inyong mabubuting hangarin.

Muli, Maligayang Kaarawan po! Maraming salamat sa lahat ng inyong kabutihan at paggabay.

𝐁𝐎𝐎𝐃𝐋𝐄 𝐅𝐈𝐆𝐇𝐓, 𝐀𝐍𝐎 𝐓𝐀𝐑𝐀?!Nagkakaisang kumilos at magsalo-salo ang Team Alexandra Lumague para sa isang mas masigla at mas...
21/07/2026

𝐁𝐎𝐎𝐃𝐋𝐄 𝐅𝐈𝐆𝐇𝐓, 𝐀𝐍𝐎 𝐓𝐀𝐑𝐀?!

Nagkakaisang kumilos at magsalo-salo ang Team Alexandra Lumague para sa isang mas masigla at mas malapit na komunidad. Ang boodle fight na ito ay simbolo ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pakikipagkapwa ng kabataan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta. Sama-sama nating itaguyod ang mga programang makikinabang ang kabataan at buong komunidad ng Zavalla Subdivision.

Maraming salamat po sa inyong lahat! ❤️

~ Mula sa Team Alexandra Lumague

SK Chairman : Alexandra "Alex" Lumague

SK Councilor Aspirants :

"Angel" Jose
"Ej" Samson
"Pepay" Carbonell
"Gelo" Laviña
"Shenna" Tejada
"Luis" Anonuevo
"Ian" Ramos

Address

Santa Rosa
4026

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team Alexandra Lumague - Aksyon Kabataan ng Bagong Tagapo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share